Konstruksyon ng Binondominium at Manila Muslim Cemetery sinimulan na

Screenshot mula sa video ng Manila PIO
  • Sinimulan na ang pagtatayo ng kauna-unahang Muslim cemetery sa Maynila
  • Nagsagawa na rin ng groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng Binondominium, isang in-city vertical housing project para sa mga Manilenyo
  • Ang dalawang proyekto ay ilan lang sa mga campaign promises ni Yorme na kaniyang isinasakatuparan

Sinimulan na ang pagtatayo ng kauna-unahang himlayan para sa mga Muslim na residente ng Lungsod ng Maynila at ang 15-storey building na Binondominium para naman sa mga informal settler families sa lungsod.

Screenshot mula sa video ng Manila PIO

Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang groundbreaking ceremony para sa Manila Muslim Cemetery noong Miyerkules, July 22, sa loob ng Manila South Cemetery. May lawak itong 2,400 square meters na tatayuan din ng Cultural Hall para sa mga Muslim residents ng lungsod.

“In recognition to the beliefs and tradition of our Muslim brothers and sisters, we are going to build the Manila Muslim Cemetery so that they will not travel far to bury their departed loved ones. By building this cemetery, we can ensure that the appropriate requirements of burying their loved ones that conform to their beliefs and tradition can be complied with,” ani Mayor Isko.

Aabot sa halos limampung milyong piso ang pondo na inilaan ng city government para sa proyekto.

Nitong Huwebes, ika-23 ng Hulyo, ay isinagawa na rin ang groundbreaking ceremony para sa Binondominium, ang isa sa mga gusaling ipinatatayo ng alkalde para sa mga informal settler families ng Lungsod ng Maynila.

Imahe mula sa Manila PIO

Ang Binondominium 1 ay 15-storey building na may kabuuang 126 units o kwarto na may sukat na 40 square meters bawat isa.

Inaasahang aabutin ng isa at kalahating taon ang konstruksyon nito na pinaglaan ng pondong nagkakahalaga ng P401,250,000.

“Kahit tayo ay squatter, ay hindi natin kailangan maging dugyot. May dignidad sa pagiging squatter dahil sila ay mga tao rin,” sabi ni Yorme sa kanyang speech.

Screenshot mula sa video ng Manila PIO

Nauna nang sinimulan ang pagtatayo ng Tondominium 1 at Tondominium 2 na bahagi ng “In-City Vertical Housing Project” ng lungsod.

Ang pabahay at himlayan para sa mga Muslim na residente ng Maynila ay isa lang sa mga campaign promises ng alkalde na kanyang isinasakatuparan.

Loading…