Kris Aquino pinag-iisipan ang pagtira sa probinsya

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino
  • Dahil sa magandang dulot sa kaniyang kalusugan ng pagtira sa probinsya ay iniisip ni Kris Aquino na lumipat na doon
  • Ngayon ay nasa Tarlac si Josh habang magkasama naman sila ni Bimby sa Pampanga
  • Aniya, gagawin niya ang lahat para sa maayos na kalusugan ng mga anak ngunit dapat din niyang bigyang pansin ang sariling kalusugan 

Pinag-iisipan ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang pagtira sa probinsya.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Ibinahagi niya ito sa isang post sa Instagram kung saan kinuwento niyang nasa Tarlac ngayon ang panganay na si Josh habang kasama naman niya sa Pampanga si Bimby.

“Whenever his Lola Cory would go to the Aquino Center in Tarlac, kasama si Josh. I perfectly understand why this is his happiest place because napaka-special ng bond nila ng Lola niya. Gusto talaga ni Kuya Josh ang buhay-probinsya,” kuwento ni Kris.

Nasa Tarlac ngayon si Josh dahil sa usapan nila ni Kris tungkol sa kaniyang fitness.

“Ang deal namin, he has to lose his tummy na bumalik dahil sa lockdown. So every day, jogging siya. Kami ni Bimb, nasa Pradera Verde in Pampanga with my friends, the Pineda family,” paglalahad niya.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Dahil sa kapayapaang naranasan sa probinsya ay napaisip daw si Kris na manirahan na roon. 

“I never imagined that I would reach a point in my life when my heart would feel peaceful and my health would benefit so much away from the city,” aniya.

“The least likely person who would be advocating Balik Probinsya (in my case, mas accurate ang Lipat Sa Probinsya) because she has always loved the vibrant energy of big cities is seriously contemplating on it now.”

Gayunpaman ay batid ni Kris na nasa National Capital Region ang kaniyang hanapbuhay kaya naman kung sakali ay hahanap siya ng matitirhan na 90 minutes away lang mula sa NLEX Balintawak entrance.

“I’ll do anything and everything for the happiness and well-being of my sons, and that starts with prioritizing my wellness,” pagtatapos niya.

Source :

Instagram

Loading…