Kung mahal ng Lopez family ang libo-libong empleyado, ibenta na lang ang ABS-CBN – Rep. Villafuerte

Imahe mula sa ABS-CBN
  • Mambabatas, hinimok ang ABS-CBN na ibenta na lang ang kumpanya
  • Sa ganoong paraan ay wala raw empleyadong mawawalan ng trabaho
  • Hinimok naman ni Alan Peter Cayetano ang ABS-CBN employees na magtatag ng isang kooperatiba at sila na ang bumili sa TV network

Imungkahi ni Rep. Luis Villafuerte, Jr. sa mga Lopez na ibenta na lang ang ABS-CBN upang maisalba ang libo-libong mga empleyado nito sa kawalan ng trabaho.

Imahe mula sa Tabloid PH

Sa panayam sa kanya, sinabi ng mambabatas mula sa Camarines Sur 2nd District na susuportahan niya ang franchise renewal ng TV network sa ilalim ng bagong may-ari at management.

“My suggestion to the Lopez family, they just sell the corporation, and if they really love the 11,000 employees or more and if they really want to serve the Filipino people, ibenta na lang nila ‘yung kumpanya,” ani Rep. Villafuerte na isa sa 70 congressmen na bumoto laban sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Nilinaw ng congressman na isang suhestyon lang ang kanyang sinabi.

“This is just a suggestion. Tutal, the Lopez family naman earned already billions and they have other companies. It is just a suggestion, of course. The decision is really entirely up to them,” aniya.

Bilang halimbawa ng kumpanyang ibinenta sa bagong may-ari at walang natanggal na empleyado ay binanggit niya ang nangyari sa Mighty Corporation na ibinenta ang kumpanya sa isang Japanese company upang makabayad sa tax deficiency nito sa gobyerno.

Imahe mula sa ABS-CBN

“Nagbayad, binenta, walang problema, walang natanggal,” ani. Rep. Villafuerte tungkol sa Mighty Corporation.

Sinagot din niya ang panawagan ng mga netizens na nakikisimpatiya sa ABS-CBN na nagsasabing huwag ihalal sa darating na eleksyon sa 2022 ang mga mambabatas na bumoto laban sa franchise renewal ng Kapamilya network.

Aniya, may kaakibat na risk sa panig ng ABS-CBN ang nasabing panawagan dahil kapag nanalo ulit ang 70 congressmen na hindi pabor sa franchise renewal ay ganoon pa rin ang mangyayari sakaling  mag-apply ulit ng franchise renewal ang ABS-CBN kahit natapos na ang Duterte administration.

“Sabi nga, ‘we’ll remember iyong mga bumoto vs. ABS-CBN, ‘di namin sila iboboto for 2022.’ But the risk is, if they win again and ABS-CBN applies again with the same ownership structure, they might experience the same scenario where they will be denied,” saad ni Rep. Villafuerte.

Samantala, kaugnay ng mungkahing ibenta ang ABS-CBN, hinihimok ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang ABS-CBN employees na magtatag ng isang kooperatiba at sila na ang bumili sa TV network.

Imahe mula sa PNA

Loading…