“Kung tahimik naman sila, huwag sila mabahala” – Esperon sa RA 11479

Image by Hermogenes Esperon Jr. via Facebook
  • Sabi ni National Security Adviser Esperon, walang dapat ikabahala ang mga law-abiding citizens sa Anti-Terrorism Act
  • Esperon: “Kung tahimik naman sila, huwag sila mabahala”
  • Para umano ito sa seguridad ng mga mamamayan na sumusunod sa batas

Walang dapat ikabahala ang mga mamamayan na sumusunod sa batas, ‘yan ang pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na isa sa mga magpapatupad sa kapipirma lamang na RA 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

Pahayag ng NSA chief, “Kung tahimik naman sila, huwag sila mabahala. Kung ang pakay mo bilang aktibista ay magsaad ng iyong mga hinaing, social injustices, or request for better treatment or ideas, pinapayagan natin ‘yan.”

Image by Hermogenes Esperon Jr. via Facebook

Sabi ni Esperon, kinakailangan ang batas dahil sa mga nakaraang pangyayari na kagagawan ng mga terorista katulad ng pagbomba sa Davao International Airport noong 2003, sa Davao Cathedral, at sa Davao night market noong 2016.

Ginawa ang batas, aniya, para hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari at para na rin sa seguridad ng mga law-abiding citizens.

Pinapayagan man ng batas ang mga magpoprotesta “peacefully”, ang ikinatatakot ni Esperon ay ‘yung mga nagsasabing tahimik sila pero suportado naman ang mga terorista.

Nakahanda na umano siyang makipag-pulong kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea at iba pang kasama sa paggawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para dito.

Matatandaang naging kontrobersyal ang batas dahil sa debate ukol sa kahulugan ng terorista, ang probisyon na maaaring makulong ng hanggang 14 na araw (puwede pang ma-extend ng 10 days) ang mga suspect kahit walang warrant of arrest, at ang pagtanggal sa probisyon sa safeguard against wrongful detention.

Vivian Velez, may patutsada kina Catriona Gray, Pia Wurtzbach

Samantala, pati mga celebrities ay nagpahayag din ng kani-kanilang opinyon hinggil sa batas.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Tutol dito sina Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catrional Gray. Ani Gray, makabubuting ayusin muna ito at pag-aralang mabuti para hindi pag-ugatan ng pang-aabuso ng mga makapangyarihan at paglabag sa karapatang pantao.

Sagot naman ng aktres na si Vivian Velez, para sa proteksyon ito ng mga mamamayan at kung hindi ito maipatutupad ay baka maging kanlungan tayo ng mga terorista.

Imahe mula sa Facebook | Vivian Velez

Loading…