Lalaki: “Pandemya ka lang, in-love ako!”

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang larawan ng isang lalaking nakabisikleta na may pulumpon o bouquet ng bulaklak sa hartodo0apan, at nakalagay sa basket
  • Sa likuran naman, nakapatong ang isang cake na binili mula sa isang sikat na brand
  • Napa-“Sana All” na lamang ang mga netizens dahil todo-effort daw ang naturang lalaki

Iba ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. Ayon nga sa isang taludtod ng “walang kamatayang” obra maestra ni Francisco Balagtas Baltazar na ‘Florante at Laura,’ “O pag-ibig na makapangyarihan, kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.”

Pinatunayan iyan sa isang larawan na makikita sa Facebook page na “Rant” kung saan kinaaliwan ng mga netizens ang isang lalaking nakasakay sa bisikleta. Hindi ito ang dahilan kung bakit nakaaaliw ang lalaki: may pulumpon kasi siya ng bulaklak na nakalagay sa lalagyanan sa harapan ng bisikleta, at sa likod naman ay may sikat na brand ng cake.

Imahe mula sa Facebook page na Rant / Public Domain Image

Mukhang dadayuhin ng lalaki ang kaniyang minamahal. Parang nais niyang sabihin: “Pandemya ka lang, in-love ako!”

“SANA ALL GANITO YUNG LALAKE! GRABE YUNG NAKASABAY KO SOBRANG EFFORT NI KUYA, SALUTE SA’YO KUYA KAHIT PANDEMIC HANDA MAG-EFFORT. WALANG PANDE-PANDEMIC!” ayon sa caption ng post mula sa di-kilalang netizen.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Effort kung effort si Kuya eh, hahaha. Sana all may basket sa bike at may cake,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ganiyan talaga kapag nagmamahal. Handa kang suungin ang panganib para makita lang ang dyowa mo. Sabagay, masyado nang nadeprive ang mga mag-dyowa dahil sa quarantine na iyan, hayaan na natin sila. Love love love!”

“Sana all ganiyan mag-effort sa mga dyowa nila! Pero baka naman delivery rider si Kuya at trabaho niya talaga iyan? Hahaha,” sapantaha naman ng isa.

 

Public Domain Image

Para sa mga magkasintahan, kaunting tiis muna dahil hindi pa rin humuhupa ang COVID-19. Kung kakayanin, makabubuting mag-usap na lamang sa pamamagitan ng video conferencing kagaya ng Messenger, Google Meet, Zoom, at iba pa. Effort pa rin naman iyon, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…