Libreng gamit ng computer para sa mga estudyante, hatid ng isang guro

Imahe mula sa Facebook | Crisanto Torio Tomeldan

 

  • Ipagagamit nang libre ng isang guro sa Pangasinan ang isang unit ng computer mula sa kaniyang pisonet
  • Sa isang Facebook post ay sinabi ni Crisanto Torio Tomeldan na maaari itong gamitin ng mga estudyante para sa online enrollment at research kapag nagsimula na ang online classes
  • Bukod dito, handa rin daw siyang mag-tutor nang libre sa mga estudyante

Habang wala pang bakuna para sa COVID-19 ay hindi muna papayagan ang pagsasagawa ng  face-to-face classes sa mga paaralan sa bansa kaya naman online muna ang mga isasagawang mga klase.

Imahe mula sa Facebook | Crisanto Torio Tomeldan

Sa kasamaang palad, hindi lahat ng mag-aaral ay may kakayahan na bumili ng mga pangunahing pangangailangan para rito kagaya na lamang ng mobile phone, computer, laptop, at Internet. 

Dahil dito, naisip ng isang guro mula sa Pangasinan na ipagamit ang isang unit ng computer mula sa kaniyang pisonet nang libre para sa mga nangangailangang estudyante.

“I’m offering po our one unit of pisonet for FREE para sa mga estudyante. Exclusively for educational purposes only,” ani Crisanto Torio Tomeldan sa isang Facebook post.

“Sa mga ‘di pa po nakakapag-enrol dahil walang cellphone o computer at Internet. Para rin po sa assignment at research kapag nag-umpisa na po ang classes,” saad niya pa.

Dagdag niya pa, handa siyang mag-tutor nang walang bayad at sumagot ng mga katanungan ukol sa proseso ng enrollment.

Imahe mula sa Facebook | Crisanto Torio Tomeldan

Paalala lamang ni Tomeldan, huwag kalimutang magsuot ng face mask kapag pumunta roon. Siya na raw ang bahalang magbigay ng alcohol.

Dahil sa kabutihang-loob ay marami ang nagpasalamat sa kaniya. “God bless you, sir, for extending your helping hands. This is a very big help po sa mga mag-aaral,” ani Syra B. 

“More blessings to come, sir Cris. You are such a blessing po para sa students na walang kakayahan bumili ng gadgets,” sabi naman ni Gia P.

Sa mga nais na gumamit ng libreng pisonet ni Tomeldan, matatagpuan ito sa #389 Mabanogbog Zone 4 Urdaneta City. Magpadala lamang ng mensahe sa kaniya upang maayos ang schedule at huwag magkasabay-sabay.

God bless you, sir!

Source :

Facebook

Loading…