Limang cobra natagpuan sa loob ng isang public market sa Maynila

Imahe mula sa Manila PIO
  • Limang cobra ang natagpuan sa New Arranque Market sa Recto Avenue
  • Nag-inspeksyon ang MAO matapos makatanggap ng impormasyon na may mga itinatagong ulupong sa public market
  • Ang mga nakumpiskang cobra ay ibinigay na sa pangangalaga ng Public Recreation Bureau

Limang makamandag na ahas ang natagpuan sa loob ng New Arranque Martket sa Lungsod ng Maynila nang magsagawa ng inspeksyon ang ilang kawani ng Manila City Markets Administration Office (MAO) noong Miyerkules, July 7.

Imahe mula sa Manila PIO

Ibinunyag ni MAO Director na si Zenaida Mapoy na may natanggap silang impormasyon na may mga cobra na itinatago sa ilang stalls sa poultry section ng nasabing pamilihan na matatagpuan sa pagitan ng Claro M. Recto Avenue at Soler Street.

Pinalinis ng market administrator ang mga bakanteng stall upang maaayos na makapagsagawa ng inspeksyon. Habang naglilinis ay narinig ng mga kawani ng MAO ang huni ng mga ulupong at doon na nila natagpuan ang hinahanap.

“Habang nagsasagawa ng inspection at nagpapalinis ng bakanteng pwesto ang market master ng Arranque ay nadinig nila ang tunog ng ahas kaya hinanap nila kung saan galing,” salaysay ni Director Mapoy.

Tumambad sa mga naglilinis ang limang 5-gallon container ng mineral water kung saan nakakulong ang mga cobra.

“Doon nakumpirma at nakita ang limang bote ng mineral water na may laman na cobra,” ani Mapoy.

Imahe mula sa Manila PIO

Aniya, mapanganib ang pagtatago doon ng mga makamandag na ahas, hindi lang para sa mga market vendors kundi para sa mga taong doon namamalengke. Kakausapin umano ng kanyang tanggapan ang may-ari ng stall kung saan natagpuan saan ang mga ulupong.

Ang mga ahas ay ibinigay na sa pangangalaga ng Manila Public Recreation Bureau.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…