Limited time lang: Luneta binuksan para sa mga taong gustong mag-exercise sa umaga

Imahe mula sa NPDC
  • Binuksan na sa publiko ang isang bahagi ng Luneta Park
  • Ang Promenade area ay bukas na para sa mga taong gustong mag-ehersisyo tuwing umaga
  • Bukas ito mula 5 a.m. hanggang 9 a.m. lang at ipatutupad ang minimum health standards habang nasa loob ng parke

Isang bahagi ng paboritong pasyalan ng mga mamamayan sa Lungsod ng Maynila – ang Luneta Park – ang muling binuksan sa publiko sa limitadong oras lang simula nitong Miyerkules, ika-1 ng Hulyo.

Imahe mula sa NPDC

Ang Promenade area ng Luneta ay binuksan ng National Park Development Committee (NPDC), ang nangangasiwa sa parke, para sa mga taong nais mag-ehersisyo tuwing umaga. Bukas ito mula alas-singko ng umaga hanggang alas-nuwebe ng umaga.

Ayon sa Facebook post ng NPDC, ang malaking bahagi ng park ay mananatiling sarado dahil sa patuloy na dumarami ang bilang ng mga taong nahahawahan ng COVID-19.

Ipinakita rin sa naturang post ang mapa ng Luneta Park, na kilala rin bilang Rizal park, bilang guide sa mga nais magtungo roon.

Ang labasan at pasukan ay nasa Rizal Park Visitor’s Center at sa Senior Citizen’s Garden  sa T.M.kalaw Street.

“Park Guidelines and Park Map. Don’t hesitate to message us on FB messenger or email us at [email protected] for questions or more information. Maraming Salamat Po!” post ng NPDC kasama ang mapa ng Luneta.

Imahe mula sa NPDC

Bago papasukin ang mga bibisita sa park ay kailangan nilang mag-fill out ng health declaration form. Isasailalim din sila sa thermal check at ang sinumang may 37.5 degrees Celsius temperature ay hindi papayagang makapasok.

Ipinaiiral din ang physical distancing at ang no face mask no entry policy. Bawal din ang pagtitipon-tipon ng mahigit sampung tao sa isang lugar.

Hindi pa rin pinapayagan ang mga vendors sa loob ng park.

Imahe mula sa NPDC

Loading…