Locsin bumuwelta sa Malaysia; Ambassador ng bansa sa Pinas ipatatawag din

Imahe mula sa Facebook
  • Hindi nagpatinag si Sec. Locsin matapos tawagin ng Malaysia na ‘iresponsable’ ng kaniyang tweet sa isyu ng Sabah
  • Wala umanong karapatang magdikta ang isang bansa sa kapwa bansa sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo
  • Ipatatawag din ni Locsin ang Malaysian ambassador para pagpaliwanagin

Hindi inatrasan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang ‘word war’ na namamagitan sa kanila ni Malaysian Foreign Affairs Minister Hishammuddin Hussein kaugnay sa isyu ng Sabah.

Sa pinakahuling pahayag ni Locsin sa Twitter, iginiit nitong walang bansa na puwedeng magdikta kung ano ang puwedeng sabihin ng kapwa bansa lalo pa’t ang pinag-uusapan ay isang teritoryong pareho nilang inaangkin.

Screenshot ng Twitter ni Sec. Locsin

Aniya, hindi nga rin sinisita ng Pilipinas ang sinasabi ng Tsina tungkol sa gusot sa West Philippine Sea.

“No country can tell another what it can and cannot say about what the latter regards as rightfully its own. I don’t insist China say only what we want to hear about the Arbitral Award. It is free to say what it wants while we say and do what needs doing. That holds for Sabah,” anang kalihim.

Sumabog ang iringan sa pagitan ng dalawang opisyal matapos sitahin ni Locsin ang tweet ng US Embassy na tila ipinalalabas na sakop ng Malaysia ang Pilipinas.

Screenshot ng tweet ni Minister Hussein

“Sabah is not in Malaysia if you want to have anything to do with the Philippines,” ani Locsin.

Nakarating sa Malaysian minister ang naging reaksiyon ng kalihim ng DFA sa Twitter. Tinawag itong ‘iresponsable’ ni Hussein at nakaaapekto umano sa relasyon ng Pilipinas at Malaysia.

“This is an irresponsible statement that affects bilateral ties. @MalaysiaMFA will summon the Philippines Ambassador on Monday to explain. Sabah is, and will always be, part of Malaysia,” sagot ng Malaysian official.

Subalit hindi natinag si Sec. Locsin na naghamong ipatatawag rin niya ang Malaysian ambassador para pagpaliwanagin.

Screenshot ng Twitter ni Sec. Locsin

“And that’s China we’re talking about—the second biggest economy and military power in the 21st century. I am summoning the Malaysian ambassador,” wika nito.

Suportado ng maraming Pinoy netizens ang paninidigan ng kalihim sa usapin ng Sabah.

“Sabah has been and will always be part of the Republic of the Philippines. We will never abandon our rightful claims, Malaysia should concede and let go of Sabah,” anang isang nagkomento.

“They also are allegedly secretly supporting the terrorists in the South.   I suspect that a lot of funding and arms of these bandits coursed through Malaysia. So that the Philippine government will have its hands full to even think about the Sabah issue,” ayon naman kay dating senador JV Ejercito.

Loading…