Lotto results: PCSO binola na ang mga lotto tickets na nabili bago ipinatupad ang lockdown

Screenshot mula sa video ng PCSO
  • Nagsagawa na ng catch-up draw ang PCSO para sa mga lotto tickets na nabili bago ipatupad ang lockdown
  • Binola na ang mg tickets para sa may petsang March 17, 2020
  • Ang lotto operation ay muling magbabalik sa piling outlets simula August 4, 2020 sa mga GCQ at MGCQ areas

Nagsagawa ng “catch-up draws” ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga lotto tickets na nabili ng mga mananaya bago magpatupad  ng community quarantine o lockdown sa buong bansa.

Screenshot mula sa video ng PCSO

Nitong Lunes, ika-20 ng Hulyo, ay binola na ang mga lotto tickets na nabili para sa March17, 2020 draw ng mga PCSG games na 2D, 3D, 6D, 6/45 Megalotto, 6/49 Super Lotto at 6/58 Ultra Lotto. Isinagawa ang draw sa PCSO Draw Court na matatagpuan sa main office ng ahensya.

Ang catch-up draws ay live na napanood sa Facebook page ng PCSO. Maaring mapanood ang replay ng bola sa PTV 4 at sa YouTube channel ng ahensya.

Narito ang mga resulta ng catch-up draws para sa March 17, 2020 draws:

3D 4PM draw: 9, 4, 6 – Maaring manalo dito ng P4,500 kapag “in exact order ang tayng numero at kapag rambolito naman ay maaring P750 at P1,700.

2D Lotto 4PM draw: 8, 8 – P4,000 ang premyo sa straight at P2,000 naman sa rambolito.

3D Lotto 9PM draw:  4, 0, 3

2D Lotto 9PM draw: 29, 29

6D Lotto: 3, 1, 5,  7,  5, 6 – Dapat ay in exact order ang taya para manalo dito ng hanggang P150,000.

Screenshot mula sa video ng PCSO

Lotto 6/42: 38, 09, 42, 30, 08, 34 – Umabot na sa P35,306,486.60 ang jackpot prize nito na hindi napanalunan

Super Lotto 6/49: 29, 05, 33, 37, 26, 35 – Walang nanalo sa jackpot prize na P38,119,025.60

Ultra Lotto 6/58: 43, 15, 21, 17, 27, 54 – Umabot na sa P304,860,671.60 ang jackpot prize na hindi pa rin napanalunan.

Ang regular draw ng lotto games ay ibabalik na simula sa August 4, 2020 sa mga piling outlets sa mga general community quarantine areas (GCQ) at sa modified GCQ areas.

Screenshot mula sa video ng PCSO

Loading…