Maaaktuhang walang face mask kulong ng 10-30 days – Sec Año

Image by PNA
  • Mga hindi magsusuot ng face mask at hindi susunod sa physical distancing sa mga pampublikong lugar makukulong ng 10-30 days
  • P1,000.00 hanggang P5,000.00 naman kung pagmumultahin ang mga ito
  • Nakikipag-ugnayan na ang hanay ng kapulisan sa mga LGU para maipatupad ito

Magkakaroon na ng uniform implementation ang gobyerno para sa mas mahigpit na pagpapatupad sa mga health protocols para pa rin sa kaligtasan ng mamamayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa PIA

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año sa pre-SONA forum and press conference, nakipagpulong siya sa mga local chief executives kung saan napagdesisyunan nilang mapapatawan na ng sampu hanggang tatlumpung araw na pagkakakulong ang mga lalabag sa pagsusuot ng face mask gayundin sa physical distancing.

“Magkakaroon na kami ng uniform implementation kung papaano ipapatupad ‘yung health standards… number of days in prison kapag nag-violate ka ng hindi pagsuot ng mask. We suggest 10 to 30 days, physical distancing also 10 to 30 days imprisonment,” wika nito.

Dagdag pa niya, “Kung ikaw naman ay ipa-fine, it’s about P1,000 to P5,000. So ‘yan ‘yung magiging uniform implementation natin.”

Matatandaang nauna nang nagbigay ng utos si Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ng mga pulis ang mga taong hindi nakasuot ng face mask sa labas ng kanilang bahay, maging sa mga hindi sumusunod sa physical distancing.

Inatasan naman na ni Joint Task Force (JTF) Covid shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga police commanders na makipag-ugnayan sa mga local government units, lalo na sa barangay levels para sa maayos na maipatupad ang mga health protocols.

Imahe mula sa PNA

Sabi ni Eleazar, “Since police forces are not enough to guard every street of the country, the barangay tanod is of great help as force multipliers in the maintenance of peace and order.

“And with the country under the threat of Covid-19, the intensified visibility of barangay tanod in their respective communities is a good deterrent against the complacency of their respective constituents in complying with the minimum health safety protocols.”

Image by Police Regional Office Cordillera via Facebook

Loading…