Madyikerong naging delivery rider patok sa mga customers dahil sa libreng magic tricks

Screenshot mula sa GMA video
  • Professional magician na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya naging delivery rider
  • Nagagamit niya sa bagong trabaho ang kaalaman sa magic
  • Nagpapakita siya ng libreng magic trick sa mga customers kaya dumami ang nagpapa-deliver sa kanya

Maihahalintulad sa isang magic trick na tinatawag na disappearing act ang nangyari sa hanapbuhay ng isang professional magician nang magpatupad ng mga community quarantine sa bansa dahil sa COVID-19 outbreak – naglaho iyon na parang bula.

Screenshot mula sa GMA video

Isang madyikero si Jojo Cho na lubos na naapektuhan ang ikinabubuhay dahil sa pagbabawal sa mga social gatherings tulad ng mga party, shows, events at iba pa. Kumikita siya noon ng P6,000 kada show at nakapagbebenta pa ng mga magic props mula P15,000 hanggang P45,000 kada buwan.

Dahil sa pandemya ay naglaho ang pinagkakakitaan ni Jojo.

“Wala talagang makapag-show na. So, nasa bahay lang kami tapos siyempre habang tumatakbo ‘yung araw, nauubos ‘yung ipon,” kuwento niya.

Ikinuwento ng asawa niyang si Ana Karissa na lahat ng mga naka-book niyang performance ay nakansela lahat.

“Very affected, kasi ang daming nawala. Unang-una ‘yung trabaho kasi, siya kasi entertainer siya. Sa parties, sa events kami naka-ano. Kumbaga, noong pinagbawal ‘yun wala talaga kami. Lutang ‘yung ano namin… May mga bookings na siya, canceled lahat,” sabi ng asawa ni Jojo.

Screenshot mula sa GMA video

Bilang isang delivery rider ang pinagkakakitaan ngayon ni Jojo. Nagagamit rin niya sa bago niyang trabaho ang pagiging madyikero niya. Nagpapakita siya ng libreng magic tricks sa mga customers na nagpapa-deliver sa kanya.

Dahil sa “bonus” na magic trick ay marami na raw ang tumatawag sa kanya para magpa-deliver.

“Simula noon, marami nang tumatawag sa ’kin. Siguro natutuwa, nae-excite sa hindi lang nagpi-pick up, nagma-magic pa. So, do’n ko nagamit ‘yung kaalaman ko sa magic, kinonnect ko siya sa pagde-deliver,” lahad ni Jojo.

Screenshot mula sa GMA video

Si Jojo na rin ang naging  taga-deliver ng mga produkto ng misis niya na nagsimula ng sariling online business.

“Habang buhay, may pag-asa. ‘Wag mawalan ng pag-asa. So, mag-isip kung ano ‘yung mapagkikitaan. ‘Wag mahiyang magtanong, ‘wag mahiyang kumilos kung kailangan naman at kaya naman talaga,” ang payo ni Jojo.

Tara na’t silipin ang isa niyang delivery na may entertainment pa!

Loading…