‘Maghanap lang ng karinderya’: Utos ni Duterte, bigyan ng matitirhan at pagkain ang mga istranded na indibidwal sa NAIA

Image by Rody Duterte via Facebook
  • Pang. Duterte, inutusan si DILG Sec. Año na bigyan ng pagkain at matitirhan ang mga locally stranded individuals sa NAIA
  • Saad nito, hindi mamahaling pagkain ang ipakain dahil limitado ang badyet at nasa gitna ng krisis ang bansa
  • Inutusan din si DOTr Sec. Tugade na tanggalin ang ilang restaurants sa NAIA at gawing pansamanatalang seating areas para sa mga indibidwal

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte si DILG Secretary Eduardo Año na tipunin ang lahat ng locally stranded na indibidwal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at bigyan sila ng matitirhan at makakain.

Screenshot mula sa “24 Oras”

Pahayag ng Pangulo, “Now again, I would like to remind before I close, si General Año, to gather all, to gather all na naghihintay na walang matulugan, walang matirahan at nandiyan sa labas ng NAIA or whatever sa airport, you will be transported to a place. I will pay, you just bill me pati pagkain.”

Dagdag nito, hindi mamahaling pagkain ang ipakakain sa mga indibidwal dahil limitado ang badyet at nasa gitna ng krisis ang bansa.

“Maghanap lang ng ‘yung mga karinderya-karinderya diyan kasi baka ang Budget magreklamo. Huwag kayong magkain ng mahal-mahal kay hindi panahon na ano ito ngayon. We are in a crisis and let us keep our senses close to the ground.”

Samantala, inutusan ni Duterte si DOTr Secretary Arthur Tugade na tanggalin ang ilang restaurants sa NAIA terminals at gawing pansamanatalang seating areas para sa mga indibidwal.

Ilang restaurants sa NAIA pinatatanggal ni Pang. Duterte upang lagyan ng upuan para sa mga stranded passengers

Naaawa umano ang Pangulo kapag nakikita ang mga istranded na indibidwal na natutulog sa waiting sheds at sidewalks malapit sa airport samantalang maluwang  sa mga restaurants na aniya’y ang lalayo ng table.

Image by Rody Duterte via Facebook

“Art, lagyan mo ng silya lahat ‘yan. ‘Yung restaurant diyan, kung ma-terminate mo ‘yung contracts, terminate them. Because I need them to sit the passengers waiting.”

Pinakiusapan din niya ang mga pulis na naka-assign sa NAIA na tulungan ang mga locally stranded individuals.

Imahe mula sa Wikipedia

Loading…