Magkakapatid sa Zamboanga, may bughaw na mga mata

  • May bughaw na mga mata ang magkakapatid sa Zamboanga Del Norte
  • Ibinahagi ito sa social media ng isang netizen
  • Tinatawag itong “”Waardenburg Syndrome”

Sinasabing ang mga mata ng isang tao ay nagsisilbing durungawan ng kaniyang pagkatao. Mababakas dito ang mga damdaming hindi mabigkas ng mga bibig, mga saloobing hindi maipahayag nang harapan, mga ikinukubling alinlangan at agam-agam. Sa literal na pagpapakahulugan, mahalaga ang mga mata dahil ito ang ginagamit ng mga tao upang makita ang kaniyang kapaligiran at mamalas ang mukha ng kaniyang kapwa.

Para sa ilan, ang mga mata ay isa lamang sa mga assets ng isang tao. Sanay tayong makakita ng mga matang itiman, kulay-kayumanggi o brown, at may pagka-bughawin o asul. Subalit kakaiba ang kulay ng mga mata ng magkakapatid sa Labason, Zamboanga Del Norte dahil kulay bughaw na bughaw ito. Ang ilan sa kanila ay isa lamang habang ang ilan lamang ay parehong mata.

Ibinahagi iyan sa Facebook post ni “Ahlang Salarda.”

Imahe mula sa Facebook account ni Ahlang Salarda

Ayon sa caption na nasa wikang diyalektal, mukhang may suot na contact lense ang mga bata dahil sa kulay ng kanilang mga mata.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Wow, ganda ng mga mata nila! Parang may suot na contact lense,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “Bakit ganoon, sa isang kapatid ay isang mata lang ang may kulay? Yung iba, parehong mata? Ano ang tawag sa ganiyan?”

Bakit nga ba nagkaganoon ang kulay ng mata ng mga bata? Huwag silang katakutan o pandirihan. Hindi sila “maligno” o kung ano pa man. Ayon sa mga dalubhasa, sila ay may kalagayang tinatawag na “Waardenburg Syndrome.”

Ang Waardenburg Syndrome ay isang bihirang “genetic conditions” na maikakategorya sa pagkakaroon ng congenital hearing loss at pigmentation deficiencies, na maaaring maipakita sa pagkakaroon ng pagkakaroon ng maliwanag at bughaw na mata (maaaring isa o dalawang mata).

Public Domain Image

Ayon sa mga dalubhasa, “These basic features constitute type 2 of the condition; in type 1, there is also a wider gap between the inner corners of the eyes called telecanthus, or dystopia canthorum. In type 3, which is rare, the arms and hands are also malformed, with permanent finger contractures or fused fingers.

Sa pagpapatuloy, “In type 4, the person also has Hirschsprung’s disease, which is a congenital lack of nerves in the intestines leading to bowel dysfunction. There also exist at least two types (2E and PCWH) that can result in central nervous system symptoms such as developmental delay and muscle tone abnormalities.”

Isa sa mga sikat na celebrity na may kalagayang ganito ay si “Paris Jackson” na anak ng music icon na si Michael Jackson.

Loading…