Mahigit 10K estudyante ng Pasay City makatatanggap ng P3,000 bilang tulong

Imahe mula sa Pasay City-PIO
  • Nagsimula nang mamigay ng P3,000 ang Pasay City sa mahigit 10K estudyante ng lungsod
  • Ang naturang halaga ay bilang cash aid sa mga estudyante para sa tatlong buwan – Enero hanggang Marso nitong taon
  • Inihahanda na rin umano nila ang cash aid para sa iba pang pampublikong paaralan sa lungsod

Sinimulan na ang pamimigay ng P3,000 para sa lahat ng mahigit 10,000 estudyante ng Pasay City bilang bahagi ng Financial Assistance to Students Program (FASP) ng lungsod.

Ayon kay Pasay City Mayor Mayor Emi Calixto-Rubiano, sinimulan ang pamamahagi ng nabanggit na pinansiyal na tulong nitong Hulyo 24 hanggang Hulyo 27.

Imahe mula sa Facebook ng Pasay-PIO

Ang P3,000 ay para sa tatlong buwan – mula Enero hanggang Marso – na ayuda sa mga estudyante nitong nagdaang school year.

Sa 10,237 na estudyante, 1,609 rito ay mula sa  Pasay City North Main Campus, 967 sa Epifanio Delos Santos Elementary School, 837 sa Rafael Palma Elementary School, 710 sa Cuneta Elementary School, 2,160 sa Jose Rizal Elementary School, 2,440 sa Maricaban Elementary School, at 1,514 sa Rivera Village Elementary School.

Nauna nang naipamudmod ng city government sa 13,473 na estudyante ng elementarya mula sa walong public school ang kaparehong cash aid.

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Emi Calixto-Rubiano

Inihahanda na rin umano nila ang cash aid para sa iba pang pampublikong paaralan sa lungsod.

Ayon kay Mayor Calixto-Rubriano, binuo nila ang programang FASP para matulungan ng estudyante ng mga public shool sa Pasay sa kanilang mga gastusin sa paaralan.

Loading…