“Maiiyak ka na lang”: Angel Locsin sa pagpapatigil-operasyon sa ABS-CBN stations sa Channel 43, Sky Direct

Image by Angel Locsin via Facebook
  • Angel Locsin naglabas ng saloobin sa pagpapatigil sa pag-ere ng ABS-CBN channels sa Channel 43 frequency at pagpapatigil-operasyon sa Sky Direct
  • Locsin: “Maiiyak ka na lang”
  • Sinabi pa nito, sana ay pupuwedeng mamili ang mga mamamayan kung saan pupunta ang ibinabayad na buwis

Hindi napigilan ni Kapamilya Primetime Queen Angel Locsin ang maghayag ng saloobin makaraang maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) para ipatigil ang pag-ere ng ABS-CBN channels sa Channel 43 frequency, at operasyon ng Sky Direct.

Image by Angel Locsin via Facebook

Pahayag ni Locsin sa Instagram, “Kanina pumara ako sa harap ng ABS nung nabalitaan ko ang posibleng pagtigil sa TV Plus at Sky. Eto na naman yung pakiramdam na maiiyak ka na lang.

“Sana may option na pwede kang mamili kung saan pupunta ang binabayad mong tax. To my ABS family, hang in there.”

Matatandaang naglabas ang NTC ng order noong Martes para patigilin ang ABS-CBN sa paggamit ng frequency ng Channel 43 (na pagmamay-ari ng AMCARA Broadcasting Network) para maglabas ng mga programa.

Sabi ni NTC Commissioner Galiel Cordoba, hindi dapat ginagawa ng ABS-CBN ang pag-ere ng programa sa Channel 43 na gumagamit din ng napasong prangkisa ng ABS-CBN dahil malinaw na paglabag ito sa CDO.

ABS-CBN TV Plus tuluyan nang titigil sa pag-ere?

Mayroon ding separate order para agarang ipasara ang operasyon ng direct broadcast satellite (DBS) service ng Sky Cable Corporation na Sky Direct. Subsidiary ng ABS-CBN ang Sky Direct.

Binigyan naman ng sampung araw  na palugit ang Sky Cable  para ipaliwanag kung bakit hindi babawiin ang radio frequencies na ini-assign sa kanila sa kadahilanang kulang sila ng necessary congressional franchise.

Image by SkyDirect via Facebook

Inatasan din ng NTC ang Sky na i-refund ang mga unconsumed prepaid loads, deposits o advance payment, at iba pang charges na nakolekta para sa DBS service.

Nauna nang naglabas ang NTC ng cease and desist order noong Mayo para ipatigil ang free-TV at radio broadcast ng ABS-CBN dahil sa isyu sa prangkisa.

Imahe mula sa ABS-CBN

Loading…