Maja Salvador: “Just like gold, ABS-CBN is indestructible”

Image by Maja Salvador via Facebook
  • Kagaya ng ginto, “indestructible” ang ABS-CBN, ayon kay Maja Salvador
  • Hindi umano sila mapatatahimik o mapatutumba
  • Maja: “Lalaban at lalaban kami dahil matibay kami”

Matitibay ang mga Kapamilya kaya’t lalaban sila nang lalaban dahil kagaya ng ginto, “indestructible” ang ABS-CBN; ‘yan ang matapang na pahayag ng premyadong aktres na si Maja Salvador kaugnay pa rin sa hindi pag-renew sa prangkisa ng TV station.

Image by Maja Salvador via Facebook

Pahayag ng aktres sa Twitter, “Hindi niyo kami mapapatahimik! hindi niyo kami mapapatumba! lalaban at lalaban kami dahil matibay kami! just like Gold, ABSCBN is INDESTRUCTIBLE!!!!!! #LabanKapamilya #IbalikAngABSCBN.”

Pinuri naman ng mga tagasuporta ng istasyon ang mga naging pahayag ni Maja na nagdulot para mag-trending ang “Lily Cruz” na siyang karakter na ginampanan niya sa sikat na ABS-CBN series na Wild Flower.

Maliban dito, nauna ring ibinahagi ng aktres na nadurog ang kanyang puso at masakit para sa kanya ang nangyari pero wala siyang magawa para sana’y matulungan ang mga nakasama niya sa trabaho.

Ipinost din niya ang mga naririnig niya sa kanyang mga naging katrabaho kagaya ng “Maj, wala na ang RNG (Regional Network Group ng ABS-CBN), “Tapos na ang laban 1 1/2 month ko na lang kayo makakatrabaho”, at “I will always be grateful na naging RM (Road Manager) niya ako at naging alaga ko kayo.”

Image by Maja Salvador via Facebook

Malaki ang nagawa ng ABS-CBN sa karera sa showbiz ni Maja. Dito, nakilala siya sa mga teleserye kagaya ng Nagsimula sa Puso, Minsan Lang Kita Iibigin, Ina, Kapatid, Anak, The Legal Wife, Bridges of Love, FPJ’s Ang Probinsyano at WildFlower. 

“Maiiyak ka na lang”: Angel Locsin sa pagpapatigil-operasyon sa ABS-CBN stations sa Channel 43, Sky Direct

Maliban kay Maja, bukas ding naglalabas ng opinyon sa social media si ABS-CBN Primetime Queen Angel Locsin.

Nasabi ni Locsin makaraan ang CDO sa Channel 43 frequency at Sky Direct: “Kanina pumara ako sa harap ng ABS nung nabalitaan ko ang posibleng pagtigil sa TV Plus at Sky. Eto na naman yung pakiramdam na maiiyak ka na lang.”

Image by Angel Locsin via Facebook

Loading…