Makabayan bloc isinusulong ang plenary debate sa prangkisa ng ABS-CBN

Imahe mula sa ABS-CBN
  • Isinusulong ng Makabayan bloc sa Kamara ang plenary debate sa prangkisa ng ABS-CBN
  • Dapat umanong pagbotohan ng lahat ng mambabatas ang naunang desisyon
  • Hindi raw nabigyan ng pagkakataon ang ibang kongresista na marinig ang kanilang boses

Dapat umanong pagbotohan ng buong Kamara sa plenaryo ang committee report ng Committee on Legislative Franchises na nagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN; ito ang giit ng isang grupo ng mambabatas sa kanilang sulat na inilabas sa publiko nitong Miyerkules.

Sa sulat ng Makabayan bloc na binubuo nina Bayan Muna Reps. Carlo Zarate, Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite, Gabriela Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers Rep. France Castro at Kabataan Rep. Sarah Elago, iginiit nila kay chairman Franz Alvarez na kailangan ng approval ng buong Kamara ang desisyong ibinaba ng committee noong Hulyo 10.

Screenshot ng sulat

“May we, therefore, respectfully move and pray for the Committee on Legislative Franchise to submit the said Committee (Technical Working Group) Report and the adopted Committee Resolution to the plenary for ratification of its decision,” anang sulat.

Si Zarate ay isa sa bumoto pabor sa pagbibigay ng prangkisa sa Kapamilya network. Siya rin ang author sa isa sa mga franchise bill na naipasa sa Kongreso.

“We submit that the decision of the majority of the members of the Committee on Legislative Franchise to deny ABS-CBN a new franchise, despite the absence of compelling reasons as affirmed by the invited resource persons coming from the different regulatory and other agencies during the course of the historical and unprecendented 12 marathon hearings, requires the approval of the entire House of Representatives,” wika pa nito.

Imahe mula sa Facebook – Koalisyong Makabayan

Iginiit din ng grupo na hindi nabigyan ng pagkakataon ang 305 na kongresista para marinig ang kanilang boses bilang mga kinatawan ng mamamayang naapektuhan ng naturang desisyon.

“The committee on legislative franchises may no longer tackle the franchise bills because they have been laid on the table precisely because it is now up to the Plenary to decide on the issue,” dagdag pa ng grupo.

Ang desisyong ibasura ay base sa resolusyong ginawa ng TWG na binuo ng komite isang araw bago ang nangyaring botohan.

Sa 84 na mambabatas na kasapi sa komite, 70 ang bumoto pabor sa resolusyon, 11 ang kumontra, 2 ang nag-inhibit at 1 ang nag-abstain.

Loading…