Malaysia pumalag sa tweet ni Sec. Locsin tungkol sa Sabah; PH envoy ipatatawag

Imahe mula sa Facebook
  • Pumalag ang Malaysia sa tweet ni Locsin tungkol sa isyu ng Sabah
  • Ipatatawag umano nila ang envoy ng Pilipinas para hingian ng paliwanag
  • Hindi naman natitinag ang DFA secretary at iginiit na ang US Embassy ang nagsimula ng gusot

Hindi nagustuhan ng bansang Malaysia ang naging tweet ni Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr. kamakailan tungkol sa Sabah, ang teritoryong pinag-aagawan ng dalawang bansa.

Tinawag itong ‘iresponsable’ ni Malaysia Foreign Affairs Minister Hishammuddin Hussein at nakaaapekto umano sa bilateral relation ng kaniyang bansa at ng Pilipinas.

Screenshot ng tweet ni Minister Hussein

“This is an irresponsible statement that affects bilateral ties. @MalaysiaMFA will summon the Philippines Ambassador on Monday to explain. Sabah is, and will always be, part of Malaysia,” ani Hussein bilang reaksiyon sa tweet ni Locsin.

Ang kontrobersiyal na post ng kalihim ng DFA ay nag-ugat sa isang tweet ng US Embassy na nagsabing: “@usaid_manila donated 500 hygiene kits to the @dswdserves  Region IX for use by returning Filipino repatriates from Sabah, Malaysia who arrived in Zamboanga City and Bongao, Tawi Tawi.”

Hindi ito pinalampas ni Locsin at kaagad na ni-retweet ang mensahe ng embahada na may kasamang babala.

Screenshot mula sa Twitter

“Sabah is not in Malaysia if you want to have anything to do with the Philippines,” ani Locsin.

Muli itong sinundan ng pangalawang tweet ng kalihim na nagsabing: “You better edit that announcement if you know what’s good for you.”

US Embassy ang nagsimula

Bagama’t hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang DFA secretary bilang sagot sa reaksiyon ng Malaysia, iginiit muli ni Locsin sa Twitter na ang US Embassy ang nagsimula ng gusot at hanggang ngayon ay hindi pa ito binabago o tinatanggal.

Locsin binalaan ang US Embassy: ‘Sabah is not Malaysia’

“It started with a US Embassy tweet that hasn’t been taken down. When the country united around Marcos, including his critics, the US discouraged an attempt on our part to concretely assert our claim. The US didn’t want us to add to their growing problem in Vietnam. History,” ani Locsin.

Screenshot ng tweet ni Sce. Locsin

Sinang-ayunan naman ng ilang netizens ang paninindigan ng kalihim na bagama’t maaaring ‘iresponsable’ umano ay totoo namang Pilipinas talaga ang nakasasakop sa Sabah.

Ang silangang bahagi ng Sabah ay dating pinamamahalaan ng Sulu sultanate noong 17th at 18th century kabilang na ang ibangg teritoryo tulad ng Mindanao at Palawan hanggang sa lumagda ng kasunduan ang sultanate at ang North Borneo Chartered Company (NBCC), isang kumpanya ng Britanya noong 1878.

Hindi naging malinaw para sa dalawang kampo ang nabanggit na kasunduan na siyang naging ugat ng gusot sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kabila nito, patuloy na iginigiit ng Pilipinas na sakop nito ang Sabah; bagay na hindi sinasang-ayunan ng Malaysia hanggang sa kasalukuyan.

Loading…