Mandatory driving course bilang requirement sa driver’s license, pinasususpinde muna

Imahe mula sa bestdrivingph.com
  • Pinasususpinde ng isang kongresista ang mandatory driving course bilang requirement ng LTO
  • Magiging daan lamang daw ito para gatasan ang mamamayan
  • Dapat umano ay LTO na lang ang magbigay ng ganitong programa nang libre

Hiniling ng isang kongresista sa Land Transportation Office (LTO) na suspendihin muna ang mandatory driving course bilang isa sa mga requirements kapag kukuha o mag-rerenew ng bagong driver’s license.

Sa ipinasang House Resolution (HR) No. 1045 ni Rodriguez, hiniling nito sa LTO na suspendihin ang implementasyon ng LTO Memorandum Circular No. 2019-2176 na nakatakdang ipatupad simula Agosto 3 ngayong taon.

Imahe mula sa Philkotse.com

Ayon sa mambabatas, lalabas na magsisilbing ‘accreditation’ lamang ng mga driving school ang nasabing circular bukod pa sa magiging daan lamang ito para gatasan ang publiko.

“It would seem that there are many problems that would result from the implementation of the memorandum circular and it will only be an additional financial burden to and time consuming for the Filipino people,” paliwanag ng mambabatas.

Smoke emission test sa pagpaparehistro ng sasakyan pinasususpinde hanggang Disyembre

Sa ilalim ng nabanggit na circular, ang mga aplikante para sa student driver’s permit ay kailangang sumailalim sa 15 oras na theoretical driving course, habang ang mga magre-renew naman ay kailang sumailalim sa 8 oras na driving enhancement program.

Ang magagastos umano ng isang aplikante para dito ay aabot sa P3,000 hanggang P5,000.

Imahe mula sa Facebook ni Cong. Rufus Rodriguez

“These amounts will also be spent by all of us drivers when renewing our driver’s license by requiring us to undergo driving enhancement program even if we have no violations on our records,” ayon pa kay Rodriguez.

Giit ng kongresista, kung talagang desidido ang LTO na ipatupad ang naturang circular, dapat ay sila mismo ang mag-alok ng ganitong programa o kurso nang walang bayad.

Bukod dito, dagdag-pasanin din daw ito sa mga aplikante mula sa malalayong lugar na kailangan pang bumiyahe upang makakuha lamang ng mga driving course.

Loading…