Manila Cathedral nagbabala sa pekeng sulat na humihingi ng tulong para sa mga pari

Mga imahe mula sa Facebook ng The Manila Cathedral
  • Nagbabala ang Manila Cathedral tungkol sa kumakalat na pekeng sulat
  • Nabanggit kasi sa sulat na humihingi ng pinansiyal na tulong ang kanilang mga pari
  • Para daw ito sa gagawing swab testing ng mga empleyado at pari ng simbahan

Nagbabala ang Manila Cathedral sa kumakalat na pekeng sulat umano kung saan nakasaad na humihingi ng pinansiyal na tulong ang kanilang pari para sa COVID-19 swab testing.

Laman ng naturang sulat na nakasalamuha daw ng 15 katao, kabilang na ang 5 pari, si Bishop Broderick Pabillo na kamakailan lamang ay nagpositibo sa coronavirus at kasalukuyang naka-self quarantine.

Imahe mula sa Facebook ng The Manila Cathedral

“At the same time, since we have been in close contact with the good bishop, we shall be undergoing a swab test that will cost us around P8,000 each for 15 persons, including five priests and the workers in the office,” ayon sa sulat

Pirmado rin ito ng dalawang opisyal na pari sa Manila Cathedral, bukod pa sa may ginamit na mga cellphone number.

Subalit wala raw itong katotohanan, ayon sa inilabas na pahayag ng simbahan sa kanilang Facebook page nitong Miyerkules.

“We were informed that a letter was sent to a hospital in Lipa City, Batangas, supposedly signed by us, Fr. Regie and Fr. Kali, asking for financial assistance for Covid19 swab testing for us and our staff,” ayon sa pahayag ng simbahan.

“This is a FAKE letter and our signatures are also fake,” dagdag pa nito.

Isa umano itong panloloko o scam dahil hindi sa kanila ang lagda na nasa sualt at maging ang mga numero ng telepono at email address na nabanggit dito.

Imahe mula facebook ng The Manila Cathedral

“Again, this number is fake and is a scam. Please beware of this kind of letters or requests for financial assistance,” patuloy pa ng Manila Cathedral.

Kamakailan ay nag-anunsiyo rin ang Caritas Manila tungkol naman sa mga grupo at indibidwal na humihingi ng membership para lamang makatanggap ng financial assistance mula sa kanilang opisina.

Iginiit ng Caritas na hindi sila humihingi ng membership fee at lalong hindi sila namimigay ng halagang P5,000 hanggang P10,000 bilang ayuda.

Loading…