Manila sa ika-4 na taong anibersaryo ng The Hague ruling: “The award is non-negotiable”

Imahe mula sa The Diplomat
  • Inalala ng DFA ang ika-4 na taong anibersaryo ng The Hague ruling
  • Nanawagan si Sec. Locsin sa Tsina na sundin ang desisyon ng arbitration court
  • Hindi umano ‘negotiable’ ang award na pumabor noon sa Pilipinas

Nagpaabot ng mensahe ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China bilang pag-alala sa ika-4 na anibersaryo ng The Hague ruling kung saan pinaboran ng international court ang Pilipinas sa usapin ng ‘nine-dash line’ sa West Philippine Sea.

Sa opisyal na pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, sinabi ng kalihim na ang naturang desisyon ay isang malaking kontribusyon para sa mapayapang pag-aayos ng gusot sa WPS at maging sa buong rehiyon.

Muling binigyang-diin ni Locsin na ang award ay siyang tumuldok sa isyu ng ‘historic rights’ at ‘maritime settlement’ at ito ay alinsunod sa balangkas mismo ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).

Imahe mula sa DFA-Facebook

“The Tribunal authoritatively ruled that China’s claim of historic rights to resources within the sea areas falling within the ‘nine-dash line’ had no basis in law. Rather, claims to historic rights, or other sovereign rights or jurisdiction that exceed the geographic and substantive limits of maritime entitlements under UNCLOS, are without legal effect,” ani Locsin.

Walang legal na basehan

Noong ika-12 ng Hulyo 2016, naglabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, Netherlands na pumabor sa Pilipinas. Ayon dito wala umanong legal na basehan ang ‘nine-dash line’ ng China.

“Having found that none of the features claimed by China was capable of generating an exclusive economic zone, the Tribunal found that it could — without delimiting a boundary — declare that certain sea areas are within the exclusive economic zone of the Philippines, because those areas are not overlapped by any possible entitlement of China,” ayon sa pahayag ng PCA.

Imahe mula sa Harvard ILJ

Apat na taon na ang nakararaan subalit patuloy pa rin ang paghahari ng China sa West Philippine Sea na lalo pang lumawak sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Non-negotiable ang award

Pinaalala din ni Locsin na na ang patuloy na large-scale reclamation at pagtatayo ng artipisyal na isla ng China sa lugar ay nagdulot ng malaking pinsala sa kapaligiran nito na  isang paglabag sa mga international convention.

Bagama’t may mga ginawang hakbang umano, lalo lang pinalala nito ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.

Imahe mula sa KDN

Kaya nanawagan ang kalihim na dapat ay sumunod ang Tsina sa desisyon ng PCA dahil isa itong obligasyon sa ilalim ng international law.

“The Philippines, as a law-abiding, peace-loving and responsible member of the international community, reaffirms on this occasion its adherence to the award and its enforcement without any possibility of compromise or change. The award is non-negotiable,” ayon pa kay Locsin.

Loading…