Manny Pangilinan, Albee Benitez handang tulungan ang mga Kapamilya

Image of ad via pep.ph website
  • Kapatid Network, naghahanda na sa paglulunsad ng mga bagong palabas ngayong Agosto
  • Nakikipagnegosasyon si ex-Congressman Albee Benitez para mag-produce ng programa para sa TV5
  • Nakahanda umanong saluhin nina TV5 Chairman Manny Pangilinan at Benitez ang mga ABS-CBN talents

Todo na ang paghahanda ng Kapatid Network para sa mga bago nitong programa sa buwan ng Agosto kagaya ng talkshow ni Kris Aquino, game show at talk show na produce ng APT Entertainment, at ang panibagong season ng Talentadong Pinoy. Nakahanda rin itong saluhin ang mga dating Kapamilya talents.

Image by TV5 via Facebook

Ibinahagi kamakailan ng PEP ang ad na hindi pa umano lumalabas officially. Ito ay may larawan nina TV5 Chairman Manny V. Pangilinan at former Negros Occidental Representative Albee Benitez.

Mayroong kapsyon ang ad na nagsasabing binubuksan nila ang pintuan para sa mga ABS-CBN workers na nawalan ng trabaho dahil sa hindi pag-renew sa prangkisa ng network.

Mababasa pa rito, “We would be happy to officer a helping hand to our comrades in the industry. Sino-sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo ring magkakapatid at magkakapamilya sa industriya?”

Sa kasalukuyan ay nagaganap pa ang negosasyon sa pagitan nina Pangilinan at Benitez yamang nangangarap ang huli na mag-produce ng mga palabas para sa TV5 gaya ng kay Tuviera.

Image by TV5 via Facebook

Muli kasing pinapasigla ng Kapatid Network ang mga entertainment shows nito at inaasahang maglulunsad ng mga panibagong programa simula Agosto; gayundin ang pagbubukas ng istasyon para sa mga blocktimers.

Kapamilyang Kapatid? TV5 CEO Manny Pangilinan, handa raw saluhin ang ABS-CBN sakaling hindi ma-renew ang franchise nila

Nauna nang sinabi ni Pangilinan na nakahanda silang saluhin ang ABS-CBN sakaling hindi na sila makapag-operate.

“We have lots of highways on 5. Setting aside the politics, if they want to blocktime, we are prepared to talk. We don’t have much entertainment content. It’s up to them.”

Image by TV5 via Facebook

Loading…