Mapagmalasakit na Kuya kinaaliwan online

Imahe mula sa Facebook | Trixia Masamoc
  • Marami ang naaliw sa magkapatid na nakuhanan ng larawan ng isang netizen
  • Makikita kasi ang Kuya na todo ang pag-iingat upang huwag maambunan ang kapatid
  • Hiling ng netizens, sana hanggang pagtanda ng dalawa ay dalhin nila ang pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa

Kinagiliwan sa social media ang heartwarming moment sa pagitan ng magkapatid na nakuhanan ng ng larawan ng isang netizen.

Imahe mula sa Facebook | Trixia Masamoc

Kuwento ni Trixia Masamoc sa isang post, habang umaambon ay pumunta sa tindahan nila ang magkapatid upang bumili ng tsokolate ngunit wala silang tinda nito. Nagmamadaling umalis ang nakababatang kapatid ng lalaki kaya naman pinagsabihan niya ito.

“Uy, tara rito. ‘Wag kang magmadali. Umaambon o. Tara rito. Makabibili rin tayo ng Flat Tops mo. Ilagay mo ‘to sa ulo mo,” sabi ng nakatatandang kapatid sabay abot sa jacket. “Okay nang maambunan ako, ‘wag lang ikaw,” pahabol pa nito.

Hawak din ng Kuya ang sapin sa ulo ng kapatid nang umalis sila. 

Labis na ikinatuwa ni Trixia ang nasaksihan. Hiling niya, sana ay huwag magbago ang Kuya sa kanilang pagtanda. “Sana lumaki ‘yong Kuya niyang hindi nagbabago at ganoon pa rin ang care para sa kapatid niya at sana maging mabait din si baby girl paglaki.”

Imahe mula sa Facebook | Trixia Masamoc

Umani rin ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang post na sa kasalukuyan ay may mahigit 66k reactions at 24k shares na.

“Ang cute naman. Napakabait ng Kuya. Sana lahat ng Kuya ay sweet sa mga kapatid nila,” sabi ni Faye F.

“Naalala ko kapatid kong bunso na babae. Hindi ko sila makita ngayon dahil sa COVID na ito. Okay nang ako ang mawalan, ‘wag lang ‘yong kapatid ko,” ani JC R.

Hiling naman ni Janet G., nawa ay lumaki nang mabait ang Kuya. “Sana lumaki ‘yong lalaki na ‘di tulad ng mga lalaki sa panahon na ‘to. ‘Wag na ‘wag mananakit ng babae. Bagkus, pahalagahan at ingatan sila.”

Source :

Facebook

Loading…