Marami na ang nanalo baka ikaw na ang susunod sa “Ka Selfie Mo, Jessica Soho” contest

Imahe mula sa KMJS Facebook page
  • Marami na ang nanalo ng P5,000 sa pa-contest ni Ms. Jessica Soho sa KMJS
  • Marami pang maaaring manalo sa “Ka Selfie Mo, Jessica Soho” contest
  • Sali na! Ang contest ay tatagal hanggang sa September 27, 2020

Noong Biyernes, ika-24 ng Hulyo, ay muling ipinost ng staff ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa official Facebook page ng TV program ang pinakabagong batch ng 10 lucky winners sa “Ka Selfie Mo, Jessica Soho” contest.

Imahe mula sa GMA

Ang mga lucky contestants ay nakatanggap ng tig-P5,000.

“CONGRATULATIONS, WINNERS! Natanggap na ng ating 10 lucky winners ang pa-ayuda ni Ms. Jessica Soho! Tuloy-tuloy ang pamimigay ng ayuda kaya tumutok lang sa #KMJS15! Baka kayo na ang susunod na mananalo!”  post ng KMJS.

Batay sa mga posts ng KMJS, 80 winners na ang kabuuang bilang ng mga nabibigyan na ng pa-ayuda ni Ms. Jessica Soho.

Marami pang maaaring manalo dahil ang contest ay tatagal hanggang sa  buwan ng Setyembre. Kaya naman hinihikayat ni Ms. Jessica Soho ang lahat na sumali sa pa-contest niya.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang “Ka Selfie Mo, Jessica Soho” contest ay inilunsad noong June 28, 2020 at tatagal hanggang September 27, 2020. Bukas ang patimpalak na ito sa lahat ng mga Pilipinong may edad 18 pataas na naninirahan sa Pilipinas na ni-“like” at pina-“follow” “Kapuso Mo, Jessica Soho” Facebook  page.

Imahe mula sa KMJS Facebook page

Para makasali, kailangang manood ng KMJS episode tuwing araw ng Linggo sa ganap na 8:25 ng gabi.

May ipopost na instruction ang show sa Facebook page para sa contest ng partikular na episode.

Kailangang i-post sa comment section ng Facebook post ng KMJS ang selfie o groufie habang nanonood ng KMJS episode.

Kapag na-post na sa comment section ang selfie o groufie ay may link na dapat i-click upang mapunta sa GMA website kung saan kailangang mag-register, i-submit ang contact details at i-upload ang selfie o groufie na ipinost sa comment section ng Facebook post.

Ang mga entries ay dapat mai-submit 30 minutes pagkatapos umere ng episode.

Imahe mula sa KMJS Facebook page

May isa pang paraan upang manalo ng P5,000. Ito ang “Q&A with Selfie” contest.

Bukod sa instruction na ibibigay tungkol sa selfie, magtatanong si Jessica Soho tungkol sa episode.

Kailangang i-comment ang sagot sa Facebook, kailangang i-click ng mga sumali ang link na makikita sa post at ibahagi ang kanilang sagot sa nakalaang espasyo.

Ang mga selfie at groufie ay dapat i-upload sa sites na gmanetwork.com/kmjs15selfie at gmanetwork.com/kmjs15qanda

Loading…