“Maraming ‘di na-gets”’: Roque dumepensa matapos mabatikos sa ‘Congrats PH!’

Imahe screenshot via RTVM Facebook
  • Harry Roque dinepensahan ang ‘congratulatory message’ noong Martes
  • Marami lang daw ang hindi nakaunawa sa kaniyang ibig sabihin
  • Iginiit din ng opisyal na isang ‘tagumpay’ pa rin ang nangyari gaano man ito kaliit

Nagpaliwanag si Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang mabatikos dahil sa kanyang naging pahayag na tila binabati ang Pilipinas dahil umano natalo ng bansa ang forecast ng mga eksperto sa University of the Philippines (UP) tungkol sa COVID-19.

Sa panayam ni Karen Davila  kay Roque sa ANC, sinabi ng opisyal na hindi lang naintindihan ng iba ang ibig niyang sabihin tungkol sa ‘tagumpay’ ng sambayanan na labanan ang sakit sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng kamay, paggamit ng face mask, social distancing at marami pang iba.

Imahe screenshot via RTVM Facebook

“Maraming hindi na-gets no? Well, the UP forecast is actually based on a mathematical model. They forecasted that we would have 40,000 cases by yesterday and we do have the means by which to prevent or slow the spread of the disease…” paliwanag ni Roque.

Ito umano ang dahilan kung bakit hindi umabot sa prediksyon ng UP ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa at ito rin ang nais niyang sabihin sa mga tao; na kahit wala pang bakuna laban sa virus, mayroon pa rin tayong magagawa para iwasang mahawa dito.

“It’s a small victory, but still a victory which means that with behavioral change, we can prevail over the disease,” dagdag pa nito.

Nilinaw din Roque na ang sambayanan ang kanyang binabati at hindi ang gobyerno.

“I think we should continue to encourage the people to try to beat the forecast of how much COVID-19 cases we will have,” anito.

Imahe screenshot via Twitter

Marami ang pumuna sa naging pahayag ni Roque sa isang virtual press briefing nitong Martes dahil tila umano ‘nagbubunyi’ ito matapos sumablay ang prediksyon ng UP.

“Today is the last day na pala. Ano bang sinasabi ko. Wala na po, panalo na tayo! We beat the UP prediction po. We beat it so congratulations, Philippines! Let’s do it again in July,” ani Roque na iwinawagayway pa ang kamao sa hangin.

Panoorin ang panayam kay Roque:

Loading…