Marcoleta sa TVplus box: “Ang multa na sisingilin sa ABS-CBN ay P1.97-trillion”

Image capture from video by Eagle News Live via YouTube
  • Marcoleta, hiniling sa NTC na pagmultahin ang ABS-CBN dahil sa hindi awtorisadong pagbebenta ng TVplus digital boxes
  • Batay sa kanyang kompyutasyon, aniya, aabot sa P1.97-trillion ang multang maaaring ipataw
  • Marcoleta: “Ipunin natin lahat ng pag-aari nila sa Pilipinas”

Hiniling ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta sa National Telecommunications Commission (NTC) na pagmultahin ang ABS-CBN dahil sa pagbebenta nito ng TVplus digital boxes kahit na wala umano silang awtorisasyon mula sa gobyerno, at ayon sa kanyang kompyutasyon ay aabot sa P1.97-trillion ang multang maaaring ipataw.

Rep. Marcoleta| Imahe mula sa HOuse of Rep. website

Wika ni Marcoleta, “Ang multa na sisingilin sa ABS-CBN ay P1.97-trillion or half of the national budget. Kinukwenta ko sa five million black boxes times P200 per day (fine). Eh 365 days per year, nakapagbenta sila sa five years, four months.”

Nang tanungin ang kongresista kung saan kukunin ng ABS-CBN ang bayad sa malaking multa, sinabi nitong iipunin umano nila ang lahat ng mga pagmamay-ari ng mga Lopez sa Pilipinas.

“Ipunin natin lahat ng pag-aari nila sa Pilipinas, marami pa naman siguro iyun. Ia-attach natin lahat ng pag-aari nila.”

Nabanggit din nito ang planong pagtake-over sa ABS-CBN compound maging sa mga equipment at facilities.

“Para makuha natin kaagad yun kasi komo ‘yung principal, ‘yung lupa, wala silang mabubuhat dun. Lahat ng mga chattel dun, improvements dun e pag-aari na ng gobyerno ‘yun sapagkat ang lupa ay sa gobyerno. Lahat yun, accessories.”

Ipinasasara din ni Marcoleta sa NTC ang Sky Cable na kasalukuyang nag-eere ng ABS-CBN News Channel o ANC.

Samantala, pahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, pine-pressure ang TV station para ibenta ng mga Lopez ang broadcast business nila. Naglabas si Zarate ng certified true copy of title ng network na siyang “incontrovertible proof of ownership” sa lupa na pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Image by Kaloi Zarate BAYAN MUNA via Facebook

Giit ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na may executive order si dating Pangulong Corazon Aquino na hindi na kailangan ng prangkisa para makapag-operate ang mga cable networks kagaya ng Sky Cable.

Sinabi naman ng ABS-CBN na ang pagbebenta ng set-top boxes o TVplus ay naaayon sa plano ng gobyerno na mag-shift mula analog patungong digital TV sa 2023.

Imahe mula sa Facebook page ng ABS-CBN

Loading…