Mareng Winnie, nagkaroon ng P100,000 matapos maglinis ng bahay

Screenshot mula sa GMA video
  • Mareng Winnie, nakakita ng P100,000 nang maglinis ng bahay
  • Inggit na inggit daw ang mga anak niya nang malaman iyon
  • Isa si Winnie Monsod sa magiging hosts sa mga bagong shows ng GMA Network na akma para sa “new normal”

Hindi inaasahan ni Prof. Solita Monsod, mas kilala bilang Mareng Winnie dahil sa programa niyang “Bawal ang Pasaway,” na bigla siyang magkakaroon ng malaking halaga ng pera dahil lang sa paglilinis ng kanyang bahay.

Screenshot mula sa GMA video

“I rediscovered that I could fix my house pala,” ani Mareng Winnie sa interview via Zoom ng PEP kasama ang kapwa GMA News broadcasters na sina Kara David at Susan Enriquez.

Sabi ni Mareng Winnie, dahil sa COVID-19 pandemic ay nagkaroon siya ng panahon para linisin ang bahay niya sa siyudad. Bago ang pandemya ay mas madalas siya sa bahay nila sa Subic.

“It’s a small house and I could put my hands on anything I want,” sabi niya tungkol sa bahay sa Subic.

Ibang usapan na raw ang kanyang city home.

“In here, I had kind of given it up to the maids, etc. so I had no idea where the things were,” aniya.

Sinimulan niya ang general cleaning sa pagbabawas ng mga kalat.

“Before, this place was a black hole. Iyong talagang full of papers, etc. All my shoes were out there. COVID allowed me to fix my study. I fixed my bathroom, kasi iyong bathroom ko, iyong sink ko, hindi ko na nagagamit kasi punung-puno ng mga so many things. I fixed the faucet! My goodness,” kuwento ni Mareng Winnie na isa sa magiging hosts ng mga bagong programa ng GMA Network akma para sa “new normal.”

Sa paghahalungkat sa mga aparador at drawer ay nakakita siya ng mga pera na hindi na niya maalala kung saan nanggaling.

Screenshot mula sa GMA video

“Alam mo, there are good things that happened to people who work like that. Alam ninyo nung ako, aba, nakakita ako ng PHP10,000 sa isang lugar,” aniya.

May nakuha rin siyang P25,000 sa isa pang drawer  at mayroon ding dollars, na sa kabuuan ay umabot ng P100,000. Inggit na inggit nga raw ang mga anak niya nang ikuwento sa mga ito ang perang natagpuan.

Nagbiro naman si Kara David na lilinisin niya rin ang bahay ni Mareng Winnie. ^_^

Source :

PEP, MSN

Loading…