Mataas na opisyal ng DILG, nagpositibo sa COVID-19

Usec Densing| Imahe via Facebook
  • Nagpositibo sa corona virus si DILG USec Epimaco Densing
  • Ibinahagi niya sa Facebook ang malungkot na balita
  • Umaasa naman ang opisyal na gagaling siya sa virus

Isang mataas na opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang umaming nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, ika-4 ng Hulyo, sinabi ni DILG Undersecretary for Operations Epimaco Densing III na kasalukuyan na siyang ginagamot sa isang ospital at positibo naman umano ang pagresponde ng kaniyang katawan sa virus.

USec Densing| Imahe via Facebook

“As part of my obligation as a public official under this public health emergency, I would like to announce that I have been tested positive of the Covid19 Virus,” ani Densing.

Nanawagan din ang opisyal sa publiko na huwag pabayaan ang kanilang mga katawan at maging maingat sa mga taong nakapaligid sa atin.

“Maaaring bumagsak ang aking resistensya sa dami ng problema at pagdedesisyon na kailangan gawin nang walang pinipiling oras na nakaaapekto sa buhay ng nakararami. At natsambahan sa isang maikling pagkakataon na dumaan ang virus sa pangagatawan ko,” patuloy pa ni Usec Densing.

Ganun pa man, umaasa umano siya na malalampasan ang panibagong hamong ito sa kaniyang buhay. Humingi rin siya ng panalanagin para sa kaniyang paggaling at para sa ating Pangulo at sa bansa.

“And in all our prayers, please do not forget to pray for President Duterte and most especially our country!” wika pa ng opisyal.

Imahe screenshot via Facebook

Maliban kay Densing, ilang opisyal na rin ng gobyerno ang dinapuan ng coronavirus nitong nagdaang mga buwan at lahat sila ay gumaling.

Ang mga nagpositibo dati sa COVID-19 ay kinabibilangan nina Interior Secretary Eduardo Año, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senador Koko Pimentel at Sonny Angara, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos Jr., Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia, at ilang lokal na opisyal sa Luzon.

Loading…