Matapos ang SONA, shares ng DITO Telecom umangat; Globe, Smart bumaba

Image by Dito Telecommunity via Facebook
  • Shares ng DITO Telecom, tumaas makaraan ang ikalimang SONA ni Pangulong Duterte; Globe at Smart, bumaba
  • Binalaan ni Duterte ang Globe at Smart na kailangan nilang paghusayin ang kanilang serbisyo hanggang Disyembre
  • Kapag hindi ito nagawa, aniya, haharap sila sa expropriation

Umangat ang shares ng third telecom player sa bansa na DITO Telecommunity makaraang magbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa Globe at Smart (PLDT) sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.

Imahe mula sa CPJ

Binalaan kasi ni Duterte ang dalawang kumpanya na kailangan nilang gumawa ng mga hakbang para mas paghusayin pa ang kanilang serbisyo hanggang Disyembre dahil kung hindi ay haharap sila sa expropriation.

“If it’s a question of added capitalization or infusion of money, go and look for it. Look for it because if you are not ready to improve, I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone and I would take it, expropriate it to the government,” sabi ng pangulo.

Expropriation ang tawag sa hakbang ng estado sa pagkuha ng private property para magamit para sa mas ikabubuti ng nakararami.

Dahil dito, umangat sa P2.81 apiece ang share ng DITO Telecom noong Martes o mas mataas ng 5.63% sa P2.66 apiece noong Lunes. Nakapagrehistro rin ito ng intraday high na P2.88.

Samantala, parehong bumaba ang shares ng Globe at PLDT Inc.. Naging P1,981.00 apiece ang share ng Globe noong Martes kumpara sa P2,000 apiece noong Lunes; ang PLDT ay mayroong P1,302.00 noong Martes kumpara sa dating P1,320.00.

Shares ang tawag sa indivisible unit of capital, na naghahayag ng ownership relation sa pagitan ng kompanya at mga shareholders nito.

Inaasahan namang mailulunsad sa March 2021 ang mga serbisyo ng DITO Telecom na pag-aari ng Undenna Corp,. ng Davao businessman na si Dennis Uy, Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp., at China Telecommunications Corporation na pagmamay-ari ng Chinese government.

Kasalukuyan parin ang installation ng mga towers at cell sites para sa panibagong telecom company.

Image by Dito Telecommunity via Facebook

Loading…