May income sa pagiging video game livestreamer – Alden Richards

Imahe mula sa instagram account ni Alden Richards
  • Kinumpirma ni Alden Richards na isang career ang pagla-livestream ng video games at may income dito
  • Sinabi niya na hindi kailangang mamahalin ang gaming PC setup para makapag-livestream ng video game
  • Ang Ragnarok Mobile, Mobile Legends at Call of Duty ang tatlong paboritong video games ni Alden

Dumarami na ang mga netizens na kuma-career sa paglalaro ng online video games dahil maaaring kumita dito hindi lang sa pagiging professional gamer na sinusuwelduhan ng team o sponsors para makipag-compete sa malalaking esports tournaments, kundi kahit sa pag-livestream lang ng iyong nilalarong video game.

Imahe mula sa instagram account ni Alden Richards

Kinumpirma ito ni Eat Bulaga dabarkads at Asia’s Multimedia actor na si Alden Richards.

“It’s really a career. Being a livestreamer, being a gamer, helps you earn money as well. May income du’n,” sabi ng tisoy na aktor.

Ayon sa kanya, hindi na kailangan ng mamahaling gaming PC setup para makapagsimulang mag-livestream ng video game.

“Hindi mo naman kailangan ng mamahaling gamit. Hindi mo kailangan ng daan-daang libong setup para makapag-livestream ka. Kapag may laptop ka d’yan, mayroon kang app. Maraming instructions sa YouTube. Actually, du’n lang din ako nagpa-guide and of course, du’n sa mga kaibigan ko,” sabi pa ni Alden na ang sariling gaming setup ay nagkakahalaga umano ng halos kalahating milyong piso.

Imahe mula sa instagram account ni Alden Richards

Higit sa pagkita ng pera,  ang paglalaro ng video games ay isang stress reliever para kay Alden lalo na ngayong may health crisis kung saan limitado ang galawan ng mga tao.

“When I play those games, before when I was working 24/7, nare-relax ako. In a way, nare-restart ako. Nawawala ako sa real world. After no’n, balik trabaho na. Parang, it’s a short reset for me, coming from long days of work,” aniya.

Kamakailan lang, ibinahagi ng aktor ang tatlong online video games na paborito niya – ang Ragnarok Mobile, Call of duty at ang Mobile Legends: Bang Bang.

Imahe mula sa instagram account ni Alden Richards

Sabi pa niya, ang Mobile Legends ay isang “must try” game.

Simple lang ang larong ito. Sa multiplayer battle arena ay maglalaban ang dalawang team upang wasakin ang kampo ng katunggali habang dinedepensahan ang sariling kampo.

Loading…