May silbi naman kaya? Recto kinuwestiyon ang barrier para sa mga motorsiklo

Imaeh mula sa Motopinas.com
  • Ralph Recto nais ipareview muli ang ‘barrier’ sa mga motorsiklo
  • Tila hindi naman umano ito epektibo sa mga mag-asawa, ayon sa senador
  • Sana daw ay idaan muna ang hakbang sa maraming test run

Katulad ng katanungan ng marami nating kababayan, ano nga kaya ang magiging silbi ng ‘barrier’ ng motorsiklo para sa mag-asawa na magkaangkas kung sa gabi naman ay magkatabi silang natutulog, ayon kay Senador Ralph Recto.

Ito ay matapos himukin ni Recto ang pamahalaan na muling pag-aralan ng kinauukulan ang barrier requirement na ipinatutupad para sa mga mag-aangkas sa motorsiklo.

Imahe mula sa Facebook – Sen. Recto

“What’s the use of a barrier when couples hold hands in going to the motorcycle, and kiss each other goodbye after the ride?” tanong ng Senate President Pro Tempore. “As a virus shield, it is as effective as installing a concrete road divider on the matrimonial bed.”

Magugunitang pinayagan na ng gobyerno ang mag-angkas sa motorsiklo simula noong Hulyo 10 subalit ito ay para sa mga mag-asawa at mag-partner lamang. Kailangan ding lagyan ng partisyon sa pagitan nila bilang proteksiyon umano sa coronavirus.

Subalit may agam-agam dito ang Batangenyong senador:  “Isn’t the protection offered them by the motorcycle barrier during the day cancelled by their intimacy at night?”

Imahe mula sa DILG-NCR

Dahil dito, hinimok ni Recto na idaan muna sa maraming test run at workshop review ng mga eksperto kung tunay ngang epektibo kontra virus ang nasabing hakbang.

“Or can we just ask health experts if a couple who sleep together at night without masks can safely ride a motorcycle together with masks and helmets on?” wika ng mambabatas.

Ilang grupo ng mga motorista ang tutol sa nasabing panukala ng IATF dahil bukod umano sa tila hindi naman ito epektibo, delikado rin ito para sa mga motorista at maaari lamang maging sanhi ng aksidente sa daan.

Loading…