Maybahay ni Harry. Roque may pakiusap sa Transportify kaugnay sa kanilang tuta na nabundol nito

Imahe mula sa Facebook account ni Mylah Roque
  • Hindi nakaligtas ang tutang alaga ng asawa ni Presidential Spokesman Harry Roque nang mabundol ito
  • Isang Transportify van ang nakabundol sa alaga ni Mrs. Roque
  • Nangako ang Transportify Philippines na iimbestigahan ang insidente

Limang buwang gulang pa lang ang alagang tuta ng misis ni Presidential Spokesman Harry Roque na si Mylah, pero malaki na iyon na halos umabot na sa baywang ng ginang kaya’t tiyak daw na makikita iyon ng sinumang driver kung mabagal ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Imahe mula sa Facebook account ni Mylah Roque

Ang tuta, isang Husky, ay tumilapon matapos mabundol ng isang sasakyan ng Transportify na diumano ay mabilis ang takbo. Napakalakas umano ng impact kaya hindi nakaligtas ang alagang si “Trebs.”

Sa isang open letter para sa logsistics company na Transportify Philippines, idinetalye ni Ginang Roque ang pangyayari.

Ayon sa kanya, tahimik siyang tao, subalit sa pagkakataong iyon ay sigurado raw siyang rinig sa buong neighborhood nila ang kanyang mga palahaw dahil sa sinapit ni Trebs.

Kinompronta umano niya ang driver ng transportify van, subalit sinabi nitong wala siyang kasalanan dahil mabagal naman ang kanyang pagmamaneho. Taliwas ito sa mga sinabi ng ilang nakasaksi na mabilis ang takbo ng sasakyan nang salpukin ang kawawang tuta.

Sabi ng security guard ng village na rumesponde sa insidente, nakita pa niyang kinukunan ng driver ng video si Mrs. Roque habang umiiyak at kalong ang alaga.

Imahe mula sa Facebook account ni Mylah Roque

“Ikaw na nga ang naka-agrabiyado, ikaw pa ang nagre-record. Bawal yan,” sabi umano ng guwardiya sa driver.

Sa kanyang open letter, sinabi ni Mrs. Roque na sana ay may sinusunod na minimum standards of engagement and courtesy ang mga transportify drivers. May ilan din siyang katanungan para sa kumpanya.

“I know maintaining a livelihood is especially hard during these times. But I address this question to Transportify. Should my empathy to your driver’s situation absolve him of responsibility? Why was your driver driving so fast in a residential area and at a sloping road at that? What was your driver planning to do with the video of me crying over my dog?” aniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Harry Roque

Hindi na maibabalik sa kanya si Trebs. Ang pakiusap ng ginang, sana ay hindi na mangyari sa ibang pets at tao ang nangyari sa alaga.

Mababasa sa Facebook account ni Mylah Roque ang open letter para sa Transportify Philippines.

Nang mabasa ang open letter ay agad namang tumugon ang kumpanya at sinabing iimbestigahan ang insidente.

Samantala, may follow up post naman si Mrs. Roque:

“I hope Transportify does not fire the driver during this pandemic. That is the easy way out. The only way we will all gain somehow from this experience is if #TransportifyPhilippines will truly train him to drive in a manner mindful of traffic laws and basic courtesy to people. This, for me, is the best way that Transportify can take responsibility for what happened.”

Loading…