Mayor Isko binigyan ng insentibo ang mga hotel, motel na kumupkop sa mga frontliners

Imahe mula sa Facebook- Manila PIO
  • Namahagi ng tax credit certificate si Mayor Isko sa mga hotel at motel sa Maynila na nagpatuloy sa mga frontliners
  • Ito umano ay bilang pagkilala sa kanilang naimbag sa lungsod ngayong panahon ng pandemiya
  • Ang bawat tax credit certificate ay nagkakahalaga ng P100,000

Pinasalamatan ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga may-ari ng hotel motel at iba pang establisimyento na kumanlong sa mga medical frontliners nitong panahon ng pandemiya.

At bilang pagkilala sa kanilang mga naiambag sa pakikipaglaban sa COVID-19 ng lungsod ng Maynila, binigyan niya ito ng insentibo sa pamamagitan ng tax credits.

Imahe mula sa Facebook- Manila PIO

“Since day one, wala na kayong kita. You really suffered severely as an industry. Mano pa, Manila was the first to come up with an executive order requesting each of you to help our medical frontliners to accommodate them,” ani Yorme sa kaniyang talumpati nitong Miyerkules sa harap ng konseho.

Pinuri ng alkalde ang mga nasabing establisimyento na karamihan umano ay boluntaryo pang dumulog sa pamahalaang lokal ng Maynila para ialok ang kanilang tulong at suporta.

“It cost you millions, but you did not ask for a single cent. On behalf of our doctors, nurses, hospital staff who were accommodated in your place of business, we thank you. I cannot thank you enough,” wika pa ng alkalde.

Sa nasabing pagtitipon, ipinamahagi ni Mayor Isko ang mga tax credit certificate na nagkakahalaga ng P100,000 sa mga may-ari ng hotel, motel, inn, apartment at dormitoryo.

Imahe mula sa Facebook ni Mayor Isko

Sa ilalim ng Ordinance No. 8646, ang tax credit ay maaaring gamitin sa anumang uri ng local business taxes, regulatory fees at services kabilang na ang mga surcharge at penalty interest.

Napag-usapan umano nila sa city council na kahit paano ay mabigyan nila ng kunswelo ang  hotel at motel sa kanilang mga naitulong at ang tax credit nga ang kanilang naisip.

Inaamin naman ni Mayor Isko na hind pa sapat ang ‘tax credit’ na ito para bayaran ang suportang nakuha nila mula sa nabanggit na mga establisimiyento pero tiyak naman umanong magagamit ito ng mga may-ari sa kanilang negosyo.

Loading…