Mayor ng Aliaga, Nueva Ecija, namigay ng tungkod at walker sa mga senior citizens

  • Nagbahay-bahay ang “Boy Next Door Mayor” ng Aliaga, Nueva Ecija na si Mayor Gelo Vargas
  • Namahagi siya ng mga tungkod at walker sa mga senior citizens 
  • Si Mayor Vargas ay mister ni Mandaluyong Councilor Charisse Abalos-Vargas

Personal na nagbahay-bahay at namahagi ng mga tungkod at walker ang batambatang alkalde ng Aliaga, Nueva Ecija na si Mayor Gelo Vargas para sa mga senior citizens na nahihirapan na sa paglalakad dala ng mga iniindang pananakit ng kasu-kasuan dahil sa kanilang gulang.

Makikita sa Facebook page ni Mayor Vargas ang kaniyang mga larawan kasama ang mga senior citizens na masayang-masayang at nakangiti dahil sa kaniyang handog. Bakas sa mga mukha nila ang pasasalamat dahil sa pagmamalasakit ng kanilang alkalde na kilala rin sa pagiging “hands on.”

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Gelo Vargas

“Personal po nating pinuntahan ang mga senior natin at nagbigay ng mga tungkod at walker. #GawaHindiSalita #Senior” ayon sa caption ng kaniyang post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens, lalo na sa kaniyang mga nasasakupan sa Aliaga, Nueva Ecija.

“Ipagpatuloy lang po ang pagtulong at maganda ang magiging balik sa inyo ng Panginoon dahil nakikita Niya ang magandang layunin ninyo sa inyong sambayanan,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang bait naman ni Mayor, handsome inside and out. Kahit hindi ako taga riyan nakikita kong may puso sa mga taong nasasakupan niya.”

“Iyan ang mga tunay na lider, hindi yung puro utos lang, tapos ipapa-edit yung picture para kunwari umattend siya hahaha. Seriously, we need young blood of leaders para naman mapalitan na ang mga trapos (traditional politicians) na takot na takot sa tunay na pagbabago,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page ni Mayor Gelo Vargas

Kung may hinahangaang Mayor Vico “Vivico” Sotto ang lungsod ng Pasig at ipinagmamalaking Mayor Isko “Yorme” Moreno Domagoso ang lungsod ng Maynila, kinakikiligan naman ang “Boy Next Door Mayor” na ito na isang taon pa lamang na namumuno matapos manalo sa halalan noong 2019. Siya ay kabiyak ni Mandaluyong Councilor Charisse Abalos-Vargas.

Boy Next Door Mayor” ng Aliaga, Nueva Ecija, kinakikiligan habang rumoronda

Loading…