Media bawal dumalo sa SONA ni Pangulong Duterte

  • Hindi pinapayagan ang mga miyembro ng media na pumasok sa Batasang Pambansa sa SONA ni Pangulong Duterte sa Hulyo 27
  • Ito ay batay sa mungkahi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases bilang pag-iingat sa COVID-19
  • Ang tanging media na papayagan sa loob ay Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang (PBS-RTVM) 

Hindi pinapayagan ang mga miyembro ng media na makapasok sa House of Representatives  sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Hulyo 27, 2020 ayon na rin sa mungkahi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases bilang pag-iingat sa posibleng pagkalat ng COVID-19.

“Please be advised that as per the recommendations of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), all media are not allowed inside the premises of the House of Representatives (HRep) in Batasan Hills, Quezon City during the State of the Nation Address (SONA) on July 27, 2020,” ayon sa advisory na ipinadala sa media.

Public Domain Image

Sa lumabas na advisory noong Lunes, Hulyo 20, 2020, sinabi ng Presidential Communications Operations Office na ang tanging papayagang media sa loob ay Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang (PBS-RTVM) na magko-cover sa SONA ng pangulo. Lahat ng broadcast-related requirements kinakailangang padaanin sa RTVM.

Inabisuhan din ng PCOO ang mga miyembro ng media na bumatay na lamang sa live feed ng PTV, sa online livestream ng PCOO, RVTM Facebook page, at RTVM YouTube channel.

Sinabi ng Malacañang, sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na magtutungo ang Pangulong Duterte sa Batasang Pambansa upang personal na ibahagi sa publiko ang kaniyang SONA.

“The President will be physically present in Batasan pagdating po ng SONA. He has confirmed that he will attend unless there are supervening events,” ayon kay Roque sa pamamagitan ng virtual Palace briefing.

Iginiit ni Roque na tiyak na magiging pokus ng SONA ang pagtugon ng pamahalaang pambasa sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Public Domain Image

“I think it will be obvious that he will be talking about COVID-19, impact on the country, and steps taken to deal with COVID-19,” ani Roque.

Ito na ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte at inaabangan na rin ng mga awtoridad kung may mga kilos-protestang magaganap kasabay nito.

Loading…