Megastar Sharon Cuneta magpapatayo ng bonggang bahay para sa mga anak

  • Sharon Cuneta, magpapatayo ng bonggang bahay
  • Isa sa pinaka-the best na architects ang magdidisenyo nito
  • Sharon: “Am really building this for my babies”

Masayang ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta sa social media na magpapatayo siya ng bonggang bahay para sa kanyang mga anak, at ang magdidisenyo pa nito ay isa sa the best architects na nakapagtrabaho na para sa Ayala Group, Onet Limchoc at iba pa.

Imahe mula sa Instagram | Sharon Cuneta

Matatagpuan ang ipatatayong “forever home” ng sikat na mang-aawit sa isang tightly-guarded at tightly-gated Ayala community na gaya ng Ayala Alabang, Dasma, at Forbes area.

Saad pa niya, ito rin ang lokasyon ng bahay-bakasyunan nila noon na ipina-demolish niya ilang taon na ang nakararaan.

Pahayag niya sa Instagram, “Am really building this for my babies. When the original house was demolished, it took with it all their memories. It has taken us years to start rebuilding the new one because I got into debt of hundreds of millions. Now am okay.”

Nabanggit pa ng Megastar na si Arch. Conrad Onglao ang magdidisenyo nito kaya’t panatag siyang “in good hands” siya.

Sisiguraduhin umano niyang kasama sa isasagawang groundbreaking ang kanilang Pastor at ide-dedicate nila ang kanilang tahanan sa Panginoon.

“Thank You, Lord for giving us another chance to give our children this home! We praise and glorify you everyday.”

Bilang patunay, ipinakita niya sa social media ang 1/6 daw ng blueprint na pinirmahan niya kamakailan para sa ipatatayo.

Image by Sharon Cuneta via Instagram

Mayroong apat na anak si Sharon. Si KC sa dating asawa na si Gabby Concepcion at sina Frankie, Miel, at Miguel naman sa kasalukuyang asawa na si Sen. Francis Pangilinan.

I am a billionaire, I don’t need to take money from anyone: Sharon Cuneta sinagot ang basher

Matatandaang sinagot ng mang-aawit ang isang netizen na nagsabing ibubulsa lamang niya ang milyun-milyong nakalap ng ABS-CBN sa Mother’s Day Concert para sa ABS-CBN Pantawid ng Pag-ibig.

“Sorry, correction anak: sabi ko pero di yata malinaw, BILyonarya. Since my thirties. Nakakalungkot ang mga minamasama ang pagtulong sa kapwa na galing sa puso.”

Imahe mula sa Instagram | Sharon Cuneta

Loading…