Mensahe ni Matteo para sa kaarawan ni Sarah Geronimo, kinakiligan

Imahe mula sa Instagram | Hayden Kho at Matteo Guidicelli
  • Marami ang kinilig sa birthday post ni Matteo Guidicelli para sa asawa niyang si Sarah Geronimo
  • Sa kaniyang mensahe para kay Sarah ay sinabi niyang proud siya rito at lagi niyang susuportahan ang mga pangarap nito
  • Binati rin si Sarah ng ilang mga kaibigan sa industriya

Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Matteo Guidicelli para sa ika-32 kaarawan ng kaniyang asawang si Sarah Geronimo.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Sa Instagram, nag-post si Matteo ng larawan nila ni Sarah kalakip ang kaniyang pagbati. “Happy birthday, my lovely wife. I’m so proud of you. You deserve all the happiness and positivity that life has to offer,” sabi ng aktor.

Pangako pa ni Matteo, lagi niyang susuportahan anuman ang pangarap ni Sarah. “Whatever dreams you want to achieve, I’m here by your side. You are so beautiful.”

Marami rin ang bumati sa aktres kabilang na si Angel Locsin.

Kamakailan ay na-issue na diumano ay nagpahaging si Angel kay Sarah dahil sa hindi nito pagsasalita tungkol sa ABS-CBN franchise ngunit itinanggi ito ng dating Darna star.

Imahe mula sa Instagram | Hayden Kho

“Iniisip ng mga tao na pinariringgan ko siya, pero hindi e. I know how ‘pure’ she is. Wala siyang social media, alam rin nating hindi siya vocal sa maraming bagay bilang ang bait. Pero nagsalita siya at nakatutuwa ‘yon,” ani Angel.

Samantala, ibinahagi naman ni Hayden Kho ang nasaksihan niyang sweet moment ng mag-asawa sa isang tree-planting activity. Tinanong ang dalawa kung tig-isang puno ang itataning nila. 

“No. Together na lang kami, doc. We’re one na, eh,” sagot ni Matteo.

February 20, 2020 nang maganap ang kontrobersyal na secret wedding nina Sarah at Matteo. Pebrero 26 naman nang kumpirmahin ito ni Matteo sa pamamagitan ng isang Instagram post.

“02 20 2020, a day full of pure love, honesty, and genuine emotions. Yes, we got married. Mr. and Mrs. Guidicelli. We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters,” paliwanag niya. 

Happy birthday, Sarah!

 

Loading…