Meralco, “big winner” sa panahon ng pandemya at the expense of consumers – Cong. Herrera

Image by Bernadette Herrera via Facebook/Image by Meralco via Facebook
  • Cong. Bernadette Herrera: “Meralco is emerging as a big winner from the coronavirus pandemic”
  • Kinukuwestiyon ni Herrera ang biglaang pagtaas ng bayarin ng mga Meralco customers
  • Nalulungkot umano siya na naganap ito sa panahon ng lockdown kung saan dumaranas ng krisis ang mamamayan

Kung mayroon mang business na matatawag na “big winner” sa panahon ng COVID-19 pandemic, ito ay ang Manila Electric Cooperative o Meralco ayon kay House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera.

Image by Bernadette Herrera via Facebook

Isa ang kongresista sa mga kumukuwestiyon sa biglaang pagtaas ng bayarin ng mga kustomer ng Meralco na malayo raw sa karaniwang binabayaraan ng mga ito.

Wika niya, tiba-tiba ang kita ng electric company sakaling hindi mareresolba ang isyu ukol sa mataas na bayarin.

Aniya, “As majority of businesses are taking a heavy beating, Meralco is emerging as a big winner from the coronavirus pandemic.”

Dagdag pa ni Herrera, nakalulungkot na naganap ito sa panahon ng lockdown kung kailan nakararanas ng matinding krisis ang mga mamamayan.

“But unfortunately, this is at the expense of its numerous consumers who felt they were overcharged for their power consumption during the lockdown and taken advantaged by Meralco as they experience the worst public health crisis of this generation.”

Ang pahayag umano ng Meralco na ang pagtaas ng bayarin ay dulot ng mas mahabang oras ng pananatili sa bahay ay nangangahulugang naglalatag sila ng pundasyon para kagyat na ma-dismiss ang mga consumer complaints.

Pinakiusapan ni Herrera ang Energy Regulatory Commission (ERC) na tulungan ang mga mamamayan sa kanilang reklamo lalo na kung ito’y may kabuluhan.

Meralco, ipatatawag ni Gatchalian sa Senado kaugnay sa ‘di maayos na paliwanag sa bills surge

Samantala, nauna nang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na ipatatawag niyang muli sa pagdinig sa Senado ang Meralco mataapos hindi masunod ang pangako ng kompanya na maayos na maipaliwanag sa mga kustomer ang pagtaas ng bayarin.

Image by Sherwin Gatchalian via Facebook

Loading…