Metro Manila mayors nagkasundong palawigin pa ang GCQ sa NCR

Imahe mula sa Top Gear
  • Nagkasundo ang mga MM mayors na palawigin pa ang GCQ simula sa Huwebes
  • Subalit may kaunting pagbabago umano sa GCQ para bigyang daan ang ekonomiya
  • Inaasahang iaanunsiyo ni Pangulong Duterte sa Miyerkules ang bagong klasipikasyon ng quarantine

Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na palawigin pa ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region: ito ang ibinahagi ni Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

“Doon po sa pagmi-meeting namin ang consensus po ng karamihan ng ating Metro Manila mayors ay extended po ‘yong GCQ. ‘Yan po ‘yong consensus ng bawat isa sa amin,” ani Olivarez sa panayam ng DZBB nitong Martes.

Imahe mula sa Paranaque City DRRMO- Facebook

Ganun pa man magkakaroon umano ng kaunting pagbabago sa ipatutupad na GCQ nitong darating na Huwebes, ika-16 ng Hulyo.

“Hybrid GCQ na mayroon pong kaunting bubuksan para naman po magkaroon ng hanapbuhay at ekonomiya ang ating pong Metro Manila,” paliwanag ng alkalde.

Pinag-aaralan na rin umano ng IATF ang ilang bagay tulad ng posibilidad na gawing 50% na ang dining capacity sa mga restaurant mula sa kasalukuyang 30%. Subalit para sa mga pagtitipong pangrelihiyon, mananatili umano ito sa 10% capacity.

Imahe mula sa MMDA Facebook

“Pinag-aaralan pa ng IATF kung paano po ‘yong pagbubukas ng economy without sacrificing ‘yong ating health protocols. Hindi puwedeng i-prejudice ang ating health protocols dahil alam naman natin na dumadami ang ating cases dito sa buong NCR,” ani Olivarez.

Tinitingnan na rin daw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdadagdag ng mga public utility vehicles (PUVs) sa daan upang hindi na gaanong mahirapan ang mga commuters.

Nakatakdang ianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkules ang bagong klasipikasyon ng quarantine sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod base na rin sa rekomendasyon ng mga lokal na gobyerno.

Loading…