Mga comedy bars ni Allan K na Klownz at Zirkoh tuluyan nang isinara dahil sa pandemya

Imahe mula s Facebook account ni Allan K
  • Ang Klownz at Zirkoh comedy bars ni Allan K ay tuluyan nang isinara
  • Hindi na kinaya ng kumpanya ang financial losses na dinaranas nito dahil sa pandemya
  • Tumagal din ng halos dalawampung taon ang pagbibigay-saya ng mga comedy bars ni Allan K

Isang malungkot na balita sa kanyang mga empleyado at stand up comedians ang hatid ng komedyante at Eat Bulaga dabarkads na si Allan K – tuluyan na niyang ipasasara ang mga comedy bars niya na “pinadapa” ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula s Facebook account ni Allan K

Noong Lunes, June 29, nagpatawag ng meeting si Allan K at ang general manager ng Zirkoh at Klownz comedy bars upang isiwalat sa mga empleyado na matapos ang halos dalawampung taon ng pagbibigay-saya sa mga parukyano ay isasara na ang negosyo.

Nagpadala rin ng sulat si Allan K sa mga empleyado upang pormal na ihayag ang pagsasara ng dalawang bar. Dito niya inihayag ang dahilan ng ginawang desisyon.

“We regret to inform you that our company, Klownz Comedy Bar Inc., is facing a tremendous economic financial loss brought about by the Coronavirus 19 pandemic in the Philippines.

And because of this unprecedented uncertainty, our overhead expenses cannot be met, that is the reason that the company resorted to closure effective July 29, 2020.

As much as we want to give you the statutory separation pay as provided by the law, the company can no longer afford the same as we are now in the verge of bankruptcy and we do not have enough funds to pay the same.”

Imahe mula sa Facebook

Dahil wala nang pondo at hindi kayang magbigay ng separation pay, ang maibibigay lang ni Allan K sa mg empleyado ay unpaid salaries, 13th month pay, at cash assistance mula sa kumpanya.

“Thank you and we appreciate the service you have rendered to the company,” taos-pusong  pasasalamat ng komedyante sa mga empleyadong nakasama ng mahabang panahon.

Source :

PEP, Philstar

Loading…