Mga informal settler families sa Baseco bibigyan ni Yorme ng sarili nilang lote

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno
  • Mga residente ng Baseco Compound sa Tondo, Maynila bibigyan umano ng sariling lote
  • Ang buong compound ay papatagin at hahatiin sa maraming bloke
  • Ang bawat bloke ay hahatiin naman sa loteng 4 meters by 5 meters ang sukat na siyang ipamamahagi sa mga informal settler families na naninirahan sa lugar

Hindi magtatagal, ang mga lupang dating kinatitirikan ng kanilang mga tahanan sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila ay magiging pag-aari na ng humigit-kumulang 650 informal settler families.

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno

Ito ay matapos bigyan ni Manila Mayor Isko Moreno ng direktiba si city engineer Armand Andres na gumawa ng isang plano na paghati-hatiin ang lupang pag-aari ng city government na isang ektarya ang laki.

Ayon kay Yorme, ang nasabing lote ay ibu-bulldozer at papatagin bago paghahati-hatiin sa maraming bloke upang magkaroon ng maayos at maluwang na kalsada. Ang bawat bloke ay hahatiin naman sa mga lote na ang sukat ay 4 meters by 5 meters.

Ang mga loteng ito ang ipamamahagi sa mga residente roon na kamakailan lang ay nawalan ng mga tahanan matapos lamunin ng malaking apoy ang Baseco Compound.

Sinabi ni Engineer Andres na natupok lahat at walang natira sa mga bahay doon dahil hindi agad nakapasok ang mga truck ng bumbero sanhi ng makikipot na kalsada at kung anu-anong sagabal sa daan.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Personal na dumalaw si Mayor Isko, kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna, Department of Public Services Chief Kenneth Amurao at Engineer Andres sa Baseco upang ilahad sa mga residenteng nasunugan ang magandang plano ng city government para sa kanila.

Sa sandaling matapos ang pagpapatag at paghahati-hati ng lupa ay ipamamahagi na ito sa mga residente. Ang mga lote ay bibigyan ng titulo sa ilalim ng pangalan ng mga benepisyaryo sa kondisyong hindi iyon maaaring ibenta.

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno
Source :

Journal, Abante

Loading…