Mga kinatay na manok na pinag-chillax muna bago gawing tinola, kinaaliwan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang mga kinatay na manok na “chillax”
  • Mag-relax daw muna sila habang hinihintay na mailuto bilang tinola
  • Sa tradisyonal at nakasanayang pagluluto nito, bukod sa manok ay kinakailangan din ang mga sangkap gaya ng papaya o sayote, dahon ng siling labuyo bawang, luya, sibuyas, at patis o bagoong

Isa sa mga paboritong ulam ng mga Pilipino ang tinolang manok. Sa panahon pa man ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, isa ang pagkaing ito sa mga madalas na inihahain sa hapag-kainan bilang sabaw na pampagana o appetizer. Mapatutunayan iyan sa sikat na nobela ni Dr. Jose Rizal na “Noli Me Tangere” na matatagpuan sa Kabanata 3.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang isang larawang tampok sa Facebook page na “Rant.” Pinagkatuwaan kasi ng nagkatay ang mga manok na gagawing tinola. Inilagay niya ang apat na manok na tinanggalan na ng ulo at mga balahibo sa isang tray na may lamang tubig.

Ayon sa caption, “Chill muna bago gawing tinola.”

Imahe mula sa Facebook page na Rant / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha kakatuwa naman. Chillax muna bago ulamin,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Nakakaaliw. Sana hindi na lang muna tinanggalan ng ulo, para mas cute tingnan. Ay, sabagay, baka hindi magustuhan ng marami.”

Sa tradisyonal at nakasanayang pagluluto nito, bukod sa manok ay kinakailangan din ang mga sangkap gaya ng papaya o sayote, dahon ng siling labuyo bawang, luya, sibuyas, at patis o bagoong. Kung wala namang papaya o sayote, maaaring maging alternatibo ang upo. Kung wala ring dahon ng sili, maaaring pamalit ang pechay, spinach, dahon ng moringa, at mustard green. Maaari ding maglagay ng patatas o kamatis.

Bukod sa manok, maaari ding gawing tinola ang isda, iba pang seafood, o maging karne ng baboy. Nakakahalintulad ng tinola ang iba pang mga putahe gaya ng binakol at ginataang manok, subalit ang kinaiba lamang, ito ay may gata. o coconut milk.

Public Domain Image

Ang pinakamalapit sa lasa ng tinola ay ang ulam na “lauya” ng mga Ilokano, bagama’t ang ginagamit na pinakasahog nito ay bahagi ng paa ng baboy o baka at hindi manok. Sa mga Bisaya, may tinatawag silang “utan” o sinabawang gulay na binubuo ng dahon ng moringa at iba pang mga gulay.

Loading…