Mga kutsero ng kalesa napilitang magbenta ng kabayo at umuwi na lang sa probinsya dahil sa pandemya

Imahe mula sa Change
  • Mga kutserong accredited ng Intramuros lubos na naapektuhan ng pandemya
  • Marami sa kanila ang nagbenta na ng kabayo at umuwi na lang sa probinsya
  • Dahil sa kawalan ng turista, ang ilang kutserong natitira sa Maynila ay nagsaskay na ng mga ordinaryong pasahero sa mga lugar na walang biyahe ang mga jeepney

Iilan na lang ang mga kalesa na makikitang bumibiyahe sa mga lansangan ng Maynila dahil sa epekto ng health crisis sa bansa. Karamihan kasi sa mga kutsero ay napilitang ibenta na lang ang kanilang mga kabayo dahil sa kawalan ng mga dayuhang turista.

Imahe mula sa Change

Marami sa mga kutsero ang umuwi sa probinsya sa kabila ng natanggap na ayuda mula sa Department of Labor and Employment sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD dahil sarado pa rin ang turismo sa lungsod.

Ang ilan sa mga kalesa na walang kabayo ay makikitang nakasalansan sa isang parking area sa Intramuros.

“They were actually the very first groups that were given assistance by the Department of Labor and Employment sa TUPAD,” sabi ni Intramuros Administrator Guiller Asido tungkol sa mga labing-siyam na kutsero na accredited ng Intramuros.

“Mayroon na ngang umuwi sa probinsya na mga kutseros. Kahit na ‘yung mga umuwi na ‘yun, actually na-facilitate din naman sila sa TUPAD Program. Sila ‘yung nasa 2nd batch,” sabi pa ni Asido.

Imahe mula sa BWO

Mayroon din namang mga kutsero na patuloy na lumalaban at nagbabakasakaling kumita pa rin kahit papaano sa pamamasada ng kalesa; tulad ni lolo Laylo.

Dahil walang mga turista, napilitan siyang magsakay ng mga ordinaryong pasahero sa mga lugar na walang jeepney.

“P50 isang tao kasi wala hong biyaheng jeep doon. Eh, ngayon ho naman lockdown naman. O, kaya all around na lang ho,” sabi ni lolo Laylo.

Kuwento niya malaki ang nawala sa kanilang kita simula nang magkaroon ng pandemya.

Screenshot mula sa 24 Oras video

“Dati kapag nandoon sa Intramuros, kontrata roon, eh. Sa kalahating oras, P500. Pagka-isang oras, P1,000. Sa mga tourist kasi sa DOT (Department of Tourism) ‘yun eh. Sa Intramuros ngayon wala, pati Luneta wala, walang mga tourist,” anang matandang kutsero.

Patuloy pa rin siyang nakikipagsapalaran sa Maynila dahil mayroon pa naman daw siyang nakukuhanan ng mga damo para sa kanyang kabayo – sa mga damuhan sa bakanteng lote sa Valenzuela City. Hihintayin na lang umano niya ang muling pagbubukas ng turismo sa Maynila.

Source :

MSN, YouTube

Loading…