Mga locally stranded individuals na babalik sa probinsiya, dumagsa

  • Dagsa ang mga nagnanais na makabalik sa kani-kanilang mga probinsiya
  • Tinatayang 9,000 locally stranded individuals ang nag-avail ng transporation assistance program
  • Ito ay tinatawag na “Hatid Tulong Program”

Libo-libong mga locally stranded individuals sa National Capital Region ang dumagsa at nanatili sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at nagpalipas ng gabi nitong Biyernes, Hulyo 24, 2020  sa pag-asam na makabalik sa kanilang mga probinsiya.

Ang mga LSI’s, na nagmula sa mga probinsiya sa Visayas at Mindanao, ay naka-iskedyul na lisanin ang Metro Manila nitong Hulyo 25 at 26  sa pamamagitan ng programa ng pamahalaan na  “Hatid Tulong.”

Public Domain Image

Ayon sa Department of Interior and Local Government o DILG, umabot sa 9,000 stranded individuals ang kumuha ng transportation assistance program. Sa ikalawang batch  ng Hatid Tulong, nakatakdang bumalik ang mga stranded individuals sa kani-kanilang mga probinsiya sa pamamagitan ng 120 buses at limang sasakyang pandagat.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“What if one of them has virus? The government should start moving, it can be probably a slower act but at least they can be saved; look at them, they are not even wearing a mask..Why don’t they start the test right away and send them back to their hometown once the result is negative,” sabi ng isa.

Wika naman ng isa, “These are not stranded individuals. They are persons who lost their jobs and decided to go back to the provinces. Ingat po kayo. Sana nao-observe pa rin ang proper physical distancing. Napakarami po nila sa venue.”

“So alarming… bago sana pumasok diyan ay na-rapid test muna at mayroon na sana pre-arranged na sasakyan nila pauwi or itigil na muna ang papauwi ng mga stranded individuals kasi sila ang dahilan ng pagdami ng cases sa mga probinsiya,” turan ng isa.

Public Domain Image

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, gaya ng unang batch ng Hatid Tulong noong unang linggo ng Hulyo, titiyakin daw nila na ang mga LSI’s ay komportable at ligtas sa mga uri ng transportasyon na ibibibigay ng pamahalaan para sa kanila.

Loading…