Mga naipasarang minahan na naging banta sa kalikasan, muling papayagang mabuksan

  • Posible umanong mapagbigyang magbukas at magsagawa ng operasyon ang mga nasuspinde at naipasarang minahan ng dating DENR Secretary na si Gina Lopez
  • Iyan ang inihayag ng kasalukuyang kalihim nito na si Roy Cimatu
  • Nakapag-comply na raw kasi ang mga minahang ito sa mga hinihinging requirements ng DENR

Ipinahayag ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu na posibleng payagan muli ang pagbubukas at operasyon ng mga kompanya ng minahan na naipasara at nasuspinde noon ng yumaong DENR Secretary na si Gina Lopez noong 2018.

“An audit was conducted by technical experts… There were recommendations made for the companies. They complied and applied corrective measures,” ani Cimatu sa isinagawang virtual press conference matapos ang pre-State of the Nation Address forum.

Public Domain Image

Aniya, may iba pang mga kompanya ng minahan na humahabol pa sa pagkukompleto ng mga requirements. Hindi niya binanggit kung ano ang pangalan ng mga minahan na papayagan na ang operasyon.

“Only those that have passed through the proper review and those who have submitted motion for reconsideration with DENR will be allowed to operate again,” aniya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Iyan po ang isa sa mga dapat na pagtuunan ng pansin ngayon,  ang yaman ng bansa pero ibang bansa ang yumayaman sa sarili nating likas na yaman,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “We cannot deny that Philippines is a country that very rich in gold and other minerals, that’s why the government should implement a project para sa mga responsible mining company na independently owned by the Philippine government, in this way many Filipinos job opportunities will arise.”

“Kaya naman pala ganoon na lang ang gigil sa pagpapasara ng network, mukhang may hidden agenda? Sabi nga, lintik lang daw ang walang ganti,” pahayag naman isa.

Public Domain Image

Matatandaang iniutos ng dating DENR Secretary Gina Lopez ang pagpapasara at pagpapasuspinde ng 26 mining companies dahil sa alegasyon ng paglabag sa mga environmental standards, kasama na ang Philippine Mining Act. Si Gina Lopez ay kapatid ni Gabby Lopez na Chairman of the Board at may-ari ng ABS-CBN.

Loading…