Mga pabayang magulang ng mga menor de edad na lumabag sa quarantine rules pinadampot ni Yorme

Imahe mula sa Manila PIO
  • Mga pabayang magulang ng mga menor de edad na lumabag sa quarantine protocols ipinahuli ni Mayor Isko Moreno
  • Mariing ipinag-utos ni Mayor Isko na panagutin ang mga iresponsableng magulang
  • Ilan sa mga kabataang lumabag sa quarantine rules ay nagpositibo sa COVID-19 matapos isailalim sa swab test

Dinampot ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang mahigit tatlumpung iresponsableng mga magulang na pinababayaan ang mga anak na pagala-gala sa lansangan ng Maynila sa gitna ng panganib ng COVID-19.

Imahe mula a Manila PIO

Ayon sa Manila Public Information Office, hinuli ang 34 na magulang ng mga batang lumabag sa quarantine protocols na ipinatutupad sa Lungsod ng Maynila batay sa kautusan ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Ang operasyon laban sa mga pabayang magulang ay kasunod ng babala ni Yorme na ang pagpapabaya sa mga anak ay labag sa City Ordinance 8243 o Anti-Child Endangerment Ordinance. Mariing sinabi ng alkalde na seryoso ang kanyang administrasyon sa pagpapatupad ng mga polisiya nito lalo na ngayong may panademya.

“Let’s start jailing irresponsible parents. I don’t mind kung mapuno ang ating mga kulungan ng mga pabayang magulang dahil sa paglabag sa Ordinance No. 8243. Hard time requires hard decision para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19,” ani Mayor Isko Moreno.

“Kailangang matuto ang mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak. I have to bite the bullet. I have to implement the law to keep the order in Manila,” sabi pa ng city mayor.

Imahe mula sa Manila PIO

Aniya, walang pagpipilian ang city government kundi ang mamagitan o manghimasok kapag hinahayaan ng mga magulang ang kanilang mga menor de edad na anak na palabasin nang walang suot na face mask sa oras ng curfew.

“I will have to intervene as government to take care of our children or minors. That is also the job of the government – to intervene,” paliwanag ni Yorme.

Mahigit isang libo na ang mga community quarantine violators at karamihan ay mga menor de edad. Ilan sa kanila ay nagpositibo sa COVID-19 matapos isailalim sa swab test.

Imahe mula sa Manila PIO

Loading…