Mga pabayang magulang sa Navotas City hinahayaang nagkalat sa kalsada ang mga anak

Imahe mula kay Mayor Toby Tiangco
  • Mga bata sa Navotas hinahayaan ng mga pabayang magulang na maglaro sa labas ng tahanan
  • Sinabi ni Mayor Tiangco na posibleng magdala ng virus ang mgabata sa kanilang pamilya
  • Ayon sa mayor, angpagkakahawahan ng magkakapamilya ang dahilan ng mabilis na pagdami ng COVID-19 cases

Patuloy pa ring nadaragdagan ang mga mamamayang nagpopositibo sa COVID-19 sa kabila ng mga ipinatutupad na minimum health standards na kailangang sundin upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus.

Screenshot mula sa video ni Mayor Toby Tiangco

Naging kampante na kasi ang marami nang magpatupad ang pamahalaan ng maluwag na general community quarantine. Ipinagwawalang-bahala na ng marami ang pagsusuot ng face mask at ang physical distancing. Tila hindi na nila sineseryoso ang banta ng COVID-19.

Sa Navotas City, umabot na sa halos 900 ang tinamaan ng COVID-19 kabilang na ang 71 new cases nito lang nakaraang dalawang araw kaya naman muling nagpaalala ang alkalde nito na si Mayor Toby Tiangco.

Ibinahagi ni Mayor Tiangco ang tungkol sa kanyang mga nasasakupan na ayaw makipagtulungan sa lokal na pamahalaan. Aniya, nakagagalit ang mga balitang nakararating sa kanya tungkol sa mga pabayang magulang na hinahayaan ang kanilang mga anak na kumalat-kalat sa kalsada.

“Sa kabila ng pagbubuwis ng buhay ng ating mga frontliners at pagsisikap ng ating pamahalaan na maproteksyunan ang bawat mamamayan laban sa COVID-19, nakagagalit makatanggap ng ganitong mga report na nagpapakita ng kapabayaan at kawalan ng pakialam ng mga magulang o mga nakatatandang dapat ay nagbabantay sa mga batang ito,” sabi ni Mayor Tiangco sa post niya sa Facebook kalakip ang mga larawan ng mga naglalarong bata.

Imahe mula kay Mayor Toby Tiangco

Ipinaalam ni mayor na ang dahilan ng mabilis na pagdami ng COVID-19 cases ay ang pagkakahawahan ng magkakapamilya. Posible umano na ang mga bata na pinababayaang maglaro sa labas ng tahanan ay magdala ng virus sa kanilang pamilya.

Nanawagan siya sa mga magulang na disiplinahin ang mga anak at bigyan ng proteksyon sa pamamagitan ng pagsisigurong mananatili ang mga ito sa loob ng tahanan.

Imahe mula kay Mayor Toby Tiangco
Source :

Facebook, Journal

Loading…