Mga pampasaherong jeep pinayagan nang pumasada sa Metro Manila

Imahe mula sa The Visayas journal
  • Simula sa July 3, 2020 ay maaari nang bumiyahe sa Metro Manila ang mga roadworhty PUJ
  • Inisyal na 6,002 PUJ ang makapapasada sa 49 ruta
  • Ang minimum fare ay P9 sa unang apat na kilometro at karagdagang P1.50 kada susunod na kilometro

Pinayagan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabalik sa lansangan ng Metro Manila ang mga tradisyunal na pampasaherong jeep simula sa Biyernes, July 3.

Imahe mula sa The Visayas journal

Sa inilabas na guidelines para sa operasyon ng mga traditional public utility jeepney (PUJ), sinabi ng LTFRB na hindi na kakailanganin ang special permit upang muling makapamasada ang mga ito sa piling ruta sa loob ng Metro Manila.

Sa halip, iisyuhan ng QR code ang jeepney operators na ipi-print at idi-display nila sa sasakyan.

Umabot sa 6,002 ang inisyal na bilang ng mga PUJ na pinayagang bumiyahe sa 49 na ruta.

Ayon sa LTFRB, ang mga jeepney operators na papasada sa mga ruta ay dapat magsumite ng listahan ng PUJ na rehistrado sa LTFRB bilang “roadworthy” at dapat ay mayroon ang mga ito ng Personal Passenger Insurance Policy.

Ang minimum fare ay P9 sa unang apat na kilometro at karagdagang P1.50 kada susunod na kilometro.

“No fare adjustment shall be applied unless approved by the Board,” ayon sa LTFRB.

Required na sundin ng operator at mga driver ang ilang safety measures bago bumiyahe at habang namamasada na tulad ng pag-check ng body temperature, pagsusuot ng face mask at gloves sa lahat ng oras. Kailangan din mag-fill up ang mga pasahero ng Passenger Contact Forms upang mapabilis ang contact tracing kung kakailanganin.

Imahe mula sa LTFRB

Hanggang 50% capacity lang ng jeepney ang mga pasaherong dapat isakay.

May katapat na kaparusahan sa hindi makasusunod sa mga kundisyon na inilatag ng LTFRB tulad ng pagpapataw ng multa at kanselasyon ng Certificate of Public Convenience o Provisional Authority.

Mababasa sa larawan sa ibaba ang mga ruta para sa pampasaherong jeep.

Imahe mula sa LTFRB
Source :

Inquirer, Abante

Loading…