Mga pasaway: Fifty percent ng mga violators sa EDSA Busway ay mga taong gobyerno – MMDA

Imahe mula sa PNA
  • Kalahati ng mga nahuhuling ilegal na pumapasok sa EDSA Busway ay mga taong gobyerno gamit ang pribadong sasakyan
  • Ang EDSA Busway ay eksklusibo para sa mga city buses pero pinapayagang dumaan doon ang mga emergency vehicles
  • Ipinahayag ng MMDA na kaunti na lang ang aksidenteng kinasasangkutan ng concrete barriers ng EDSA Busway ngayong buwan ng July

Ibinunyag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kalahati ng mga violators na nahuling pumasok sa EDSA Busway na eksklusibo lang para sa mga city buses ay mga government personnel.

Imahe mula sa PNA

Simula nang buksan ang bagong lane para sa mga bus sa kaliwang bahaging EDSA, umaabot sa 30 sasakyan ang nahuhuli ng MMDA kada araw na ilegal na pumapasok sa nasabing bus lane.

Sa isang radio interview, malungkot na isiniwalat ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na batay sa pinagsamang listahan ng Inter-Agency Council on Traffic; Highway Patrol Group; at MMDA, kalahati ng mga pasaway na pumapasok sa EDSA Busway ay mga taong gobyerno gamit ang kanilang mga pribadong sasakyan.

“Kalahati po dito ay nakakalungkot pero mga kasamahan po natin sa gobyerno ang sakay po gamit ang kanilang mga pribadong sasakyan,” sabi ni Pialago.

Ipinaalala ni Pialago na kahit miyembro ng anumang ahensya ng gobyerno tulad ng MMDA, Philippine National Police o Bureau of Jail Management ang Penology ay hindi maaaring dumaan sa EDSA Busway kapag pribadong sasakyan ang gamit.

Imahe mula sa Zigwheels

“Maaaring tayo po ay miyembro ng mga ilang ahensya kagaya po ng PNP, BJMP, MMDA pero kapag ang gamit po natin ay pribadong sasakyan, hindi po tayo maaaring dumaan sa EDSA busway,”

Ang pinapayagan lang umanong dumaan doon maliban sa mga city buses ay ang mga emergency vehicles.

“Hindi naman po sa pinupuntirya ang ating mga kasamahan pero tandaan po natin na kapag pribadong sasakyan po ang pumasok dyan, tutularan po tayo nung mga pribadong motorista at masisira po ‘yung konsepto ng EDSA Busway dahil ang prayoridad po diyan ay yung mga city buses at emergency vehicles,” paliwanag ng MMDA spokesperson.

Samantala, ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng concrete barriers ng EDSA Busway ay nabawasan ng malaki pagpasok ng buwan ng Hulyo. Tatlo pa lang ang naitala sa unang dalawang linggo ng Hulyo kumpara noong nakaraang buwan na 40 accidents ang naitala.

Imahe mula sa Commuters of Metro Manila
Source :

Inquirer, Wheels

Loading…